Press "Enter" to skip to content

No To Compassion: Senator Koko Pimentel Pormal Nang Inireklamo Dahil Sa Quarantine Breach!

Isang dating law dean ng University of Makati at abogado na si Rico Quicho ang nagpasa ng formal complaint laban kay Senator “Koko” Aquilino Pimentel III.

Ang reklamo

Ipinadala ni Atty. Quicho ang kanyang letter-complaint sa Department of Justice nitong Lunes.

No To Compassion: Senator Koko Pimentel Pormal Nang Inireklamo Dahil Sa Quarantine Breach! 2
Photo credit: Inquirer News

Ang reklamo ay ukol sa nakaraang pagbisita ni Sen. Pimentel sa kanyang asawa na nasa Makati Medical Center noong March 24 sa gitna ng enhanced community quarantine. Ito’y kahit pa siya’y ikinokonsidera na person under investigation (PUI).

Habang siya’y nasa ospital, lumabas ang test results na kumomprima sa kanyang pagkapositibo sa virus. Dahil dito, aktibo niyang inilagay sa panganib ang lahat ng health workers sa nasabing ospital at ng S&R na supermarket.

Ang batas

Ayon ka Atty. Quicho, lumabag ang senador sa Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events (RA 11332) at ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

No To Compassion: Senator Koko Pimentel Pormal Nang Inireklamo Dahil Sa Quarantine Breach! 3
Photo credit: Rappler

“He has categorically admitted his breach without remorse. And yet because of his position, he is still not being made accountable,” pahayag ni Quicho.

“As a lawyer and advocate of the rule of law, I cannot in good conscience allow the reckless actions of Senator Koko Pimentel to be brushed aside so easily. He blatantly violated laws, which put the lives and health of frontliners and even ordinary citizens at grave risk,” dagdag pa niya.

Ang parusa

Ayon sa mga legal experts, ang naunang krimen ay maipapatawan ng ₱50,000 na fine o pagkakulong ng hanggang anim na buwan. Siya ay maipapatawan naman ng ₱10,000 hanggang ₱50,000 na fine o pagkakulong ng isang taon sa paglabag sa quarantine.

No To Compassion: Senator Koko Pimentel Pormal Nang Inireklamo Dahil Sa Quarantine Breach! 4
Photo credit: Rappler

“We assure everyone that the Justice Department will apply the law fairly and uniformly, regardless of the status of the respondent, with due respect at all times to the rights of the respondent. This investigation is without prejudice to the separate probe that the national bureau of investigation has commenced,” tugon naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa reklamo.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: