Press "Enter" to skip to content

Note Ng Isang Online Shopper Para Sa J&T Express, Viral!

Nagtrending sa social media kamakailan ang remark ng isang  online shopper para sa J&T Express na may kasamang pagbabanta.

Daming Relate!!!!

 Kinagalakan ng  marami ang nagviral  na mahiwagang note para sa J&T Express Philippines sa social media. Makaraang ipost ito ni Christian Jay Beliber sa kanyang facebook account. Mistulang pagbabanta ang remark na sinulat nya para sa maghahatid ng kanyang inorder na item mula sa isang online shopping site. 

Note Ng Isang Online Shopper Para Sa J&T Express, Viral! 2
Photo Credit: Christian Jay Beliber

“Ingatan at huwag I bagsak. Pag yan talaga sira papalo ko yan sa ulo nyo” ayon umano sa  buyer’s comment na naka note mismo sa ibabang bahagi ng kanyang parcel. Marami ang online shopper ang nakarelate at gustong gayahin ang ginawang remark  ni Christian. Para umano di na  pamarisan ng iba tulad ang kontrobersyal na video ng J&t Express.

Online shopping

 “ Sir iningatan ko po yan para walang hampasan ng ulo ” paliwanag umano ng nagdeliver ng kanyang parcel. Sa sinabing iyon ng delivery man, na di rin naintindihan ni Christian kung ano ang tinutukoy nito .Kaya’t tawa na lang ang kanyang naitugon dito.

Makaraang makauwi sa kanilang bahay ay laking gulat nya na inilagay pala sa parcel ang remark na sinulat nya para sa courier na maghahatid sa kanya.

Note Ng Isang Online Shopper Para Sa J&T Express, Viral! 3
Photo Credit: Christian Jay Beliber

““Sobrang bilis ng delivery at sobrang bait ni kuya from J&T express. Kayo naman po, di na mabiro, Eme eme lang yun remark na yun pero sineryoso nyo naman po, di ko alam na printed talaga. Anyway, thank you at gumagana po yung item. Walang hampasan ng ulo po na naganap!! Sa susunod ulit na transaction”. Ayon umano sa shop rating na sinulat nya matapos matanggap ang item.

Balik tanaw

Marami mang natuwa ngunit meron pa rin nag sasabi na paid story,damaged control at scripted ang ginawang pagpopost ni Christian. Dahil umano sa nagviral na video ng nasabing kumpanya.

Note Ng Isang Online Shopper Para Sa J&T Express, Viral! 4
Photo Credit: J&T Express Philippines

 Ayon naman sa post ng J&T Express Philippines ay kilala na nila ang mga empleyedong sangkot sa nasabing insidente at bibigyan nila ito ng karampatang parusa. Gayun pa man ay nagpapasalamat pa rin sila sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanila.

Source: Christian Jay Beliber

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: