Last updated on August 16, 2020
Handa nga ba ang Pilipinas na magkaroon ng nuclear Power Plant? Nabuhay muli ang usapin sa pagkakaroon ng nuclear power plant sa gitna ng pagtaas ng kuryente. At suportado ito ng mga Filipino Scientists.
Noong nakaraang July, Nilagdaan niPresident Rodrigo Duterte ang Executive Order 116 , nag nagbigay direktiba na pagaralan ang “adoption of a national position on a nuclear energy program.” o pag aralang ang paggamit ng nuclear energy ng bansa.

Si Carlos Arcilla, director ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), ay inin-courage ang pagamit ng nuclear power para maging mababa ang electricity bill. At nilinaw na hindi naman siya kontra sa pag gamit ng solar at wind power. Pero mas mainam ang may back-up plan ang bansa.
Aniya,
“There has to be a back-up. The sun does not shine at night, and there is always a typhoon in the country,” he remarked.

At ayon sa kanya, ang nuclear power plant ay maaring makasuply ng energy hanggang 18 months. At may teknolohiya na tutulong sa pagkuha ng Uranium mula sa dagat. Ang Uranium ay murang source ng energy para sa nuclear power system.
Malinis at Makakatulong sa mahihirap
Dagdag ni Director Arcilla, malinis ang nuclear energy dahil walang greenhouse emissions.
Sabi niya sa kanyang pahayag,
“Nuclear is simply the cleanest, cheapest, and most efficient means of producing electricity. Nuclear power will especially spare the poorest among the Filipinos who are the ones actually allotting the lion’s share of their income just for electric bills.”

Hindi makadagdag sa climate change
Ayon ni Arcilla ang nuclear power, ay walang malaking gastusin gaya ng pagamit ng fossil fuels at mababa ang carbon emissions, na lalong nagpalala sa climate change. Sabi niya ang isang pellet ng uranium ay nagbibigay ng supply katumbas sa 907 kg coal, 3 barrels of oil (149 gallons), o 17,000 cubic feet na natural gas, ayon kay Dir. Arcilla.

May banta sa seguridad
Isa sa mga common na dahilan kung bakit kinokontra ang Nuclear Power Plant, ay dahil may dala itong banta sa seguridad. Pero sabi niya, sa Amerika ay, mayroong mahigit 100 na pwer plant, kaya hindi dapat ito ikabahala.
Source: The Philippines Business News
Be First to Comment