Press "Enter" to skip to content

Nurse, Huli Sa Video Na Tinuhuran Ang Isang Matanda Habang Naglalakad

Isang nurse ngayon ang viral sa social media na syang nahuli sa video na tatlong beses tinuhod ang isang matanda na nakasabay nito sa daan.

Viral post

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Bobby Fernando, nangyari ang insidente sa Tramo, kanto ng Lakandula St. sa Pasay City. Kalakip ng post nito ang video at mga larawan na mula sa CCTV ng barangay na kung saan ay huling huli ang ginawang pagtuhod ng isang babaeng nurse sa matanda.

Nurse, Huli Sa Video Na Tinuhuran Ang Isang Matanda Habang Naglalakad 1

Ang matanda ay nakasuot ng pink stripes na tshirt at may hawak na payong. Nakasabay ito ng nurse at tinuhod to at kinorner sa isang sulok para saktan pa uli ng dalawang beses pa. Matapos ay naglakad na lamang ito na parang walang nangyari.

Nurse, Huli Sa Video Na Tinuhuran Ang Isang Matanda Habang Naglalakad 2

Samantala, sa post din ni Fernando, napag-alaman na nagtatrabaho ang viral nurse na ito sa Manila Doctors Hospital.

Depensa ng kapatid

Sa isang hiwalay na post ay nagpost ang netizen na si Joy Hamor at nagpakilala bilang kapatid ng viral nurse na tumuhod sa matanda. Ang viral nurse ay kinilalang si Julie Ann Hamor. Dagdag pa nito, may episodes umano ang kapatid ngayon na syang dahilan kung bakit maikli ang pasensiya nito sa ngayon.

Bipolar

Ayon pa kay Joy, na-diagnosed ang kanyang kapatid na may bipolar disorder at nakakapag-isip na tapusin o wakasan ang kanyang buhay. Aniya,

Nurse, Huli Sa Video Na Tinuhuran Ang Isang Matanda Habang Naglalakad 3

“Gumaling na po sya kaya po pinayagan siya magtrabaho ulit, yong mga problema na dumadating sa kanya ngayon hindo niya po kaya solusyunan dahil po negative na po ang mga naiisip niya.”

Kalakip ng post ay ang mga dokumento ng diagnosis ng doktor sa kanyang kapatid na si Julie Ann.

Reaksyon ng netizens

Maraming netizens ang nagalit nang masaksihan ang viral video. Anila, hindi ito dapat pinapayagan na magperform bilang isang nurse dahil maaaring makagawa ito ng hindi tama sa trabaho dahil sa pinagdadaanan nito ngayon.

Posted by Bobby Fernando on Sunday, March 1, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: