Press "Enter" to skip to content

Nurse Na OFW Sa Saudi, Tinulungan Ang Kapuwa OFW Na Tinamaan Ng COVID-19

Isang overseas Filipino worker na nurse sa Saudi Arabia ang pinatunayang sa mga panahong ito kinakailangan ng mga kababayan ang tulong ng kapuwa nito Filipino. Ito nga ay matapos niyang abutan ng tulong ang isang kababayang tinamaan ng COVID-19 at mawalan pa ng trabaho na halos wala nang makain at mainom na gamot habang naka-quarantine.

Ang kalagayan ng OFW

Sa ulat ni JP Soriano sa 24 Oras nitong Martes, nakaramdam daw ang OFW ng sintomas ng COVID-19 matapos niyang mapag-alamang tigil-operasyon muna ang pinapasukang restraurant.

Ani James,

“Nagkaroon po ng random swab test sa company namin. Doon po namin nalaman na pito po pala kaming nagpositibo sa COVID. ‘Yun nga po, dinala kami doon sa isolation area na binigay ng company sa amin.”

Nurse Na OFW Sa Saudi, Tinulungan Ang Kapuwa OFW Na Tinamaan Ng COVID-19 2

At dahil nga wala na siyang pera sapagkat hindi na rin siya nakakatanggap ng tulong galing sa kanyang employer, hindi na nagdalawang isip na manawagan ang pinsan ni James sa chat groups ng Filipino community para tugunan ang pangangailangan niya.

Ang pagtulong ng kapuwa Filipino

Nang malaman ang sitwasyon ni James ng isang Pinay nurse na si Ellen Salcedo, agad siyang pumunta, kasama ang asawa, sa tinutuluyan ng kababayan upang ihatid ang mga pagkain at gamot na handog nito.

Sabi ni James,

“Di ko po talagang mapigilang umiyak nung araw na ‘yon gawa po sa tuwa po at sa lungkot na nagkaroon po ako ng COVID. Tapos nagkakaroon po kami ng mabait na mga kababayan namin na handang magbuwis ng kanilang buhay para makatulong din po sa amin.”

Ang viral video ng pagtulong

Ang ipinamalas na kabutihang loob ng Pinay nurse sa Filipino community sa KSA ay talaga nga namang nag-viral at hinagaan ng mga netizen.

Nurse Na OFW Sa Saudi, Tinulungan Ang Kapuwa OFW Na Tinamaan Ng COVID-19 3

Sa video maririnig ang sinabi ni Salcedo na,

“Basta kailangan niyo pa ng tulong, babalik kami. May mga gamot at pagkain diyan. Basta ingatan niyo lang po sarili niyo, ‘wag po kayo magpabaya. Kailangan makauwi po kayo sa Pilipinas nang maayos kasi hinihintay kayo ng mga pamilya niyo,”

Pahayag ni Salcedo sa isang panayam na hindi niya aakalaing magba-viral ang video nito dahil ang tanging nais lamang nila ay makatulong sa mga kababayan.

Salamat kabayan

Pagkatapos ng pangyayaring ito, sunod-sunod na panawagan ang natanggap ni Salcedo na kanila namang tinugunan at tinulungan.

Aniya,

“As in wala na po sila kahit pambili ng pagkain. Syempre nakikita namin nagpo-post, may mga nag-positive pa tapos hindi nila alam kung anong gagawin nila.”

Nurse Na OFW Sa Saudi, Tinulungan Ang Kapuwa OFW Na Tinamaan Ng COVID-19 4

Pasasalamat naman ni James,

“‘Yung mga sinabi niya po nagpapalakas din ng loob sa amin. ‘Yun po siguro ‘yung dahilan bakit po ako napaluha nu’ng araw na ‘yon. Maraming salamat po talaga sa inyo, ma’am.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: