Press "Enter" to skip to content

Nurse, Pinatalsik sa Tinutuluyan Matapos Magpositibo sa COVID-19

Last updated on August 15, 2020

Isang babaeng nars ang nasipa palabas ng kanyang boarding house nang malaman ng kanyang landlady na siya ay positibo sa COVID-19.

Nagpalaboy sa lansangan

Pagkatapos patalsikin ng kanyang landlady, napilitan ang nasabing frontliner na magpalaboy at matulog sa lansangan sa loob ng ilang araw hanggang sa siya ay mailigtas ng Philippine Red Cross (PRC) sa isang sidewalk na malapit sa kanto ng South Avenue at JP Rizal sa Makati City.

Nurse, Pinatalsik sa Tinutuluyan Matapos Magpositibo sa COVID-19 2
Source: headtopics.com

“Nandoon siya, as in nakaupo sa gutter tapos hawak-hawak niya ‘yong mga damit niya. Sobrang sakit kasi imagine people who have been working, helping other people tapos nasa ganoong sitwasyon,” ayon kay Dr. Aida Beltejar ng PRC.

Pinaalis sa halip na tulungan

Ayon kay Beltejar, nabanggit ng nars na ng siya ay makumpirmang positibo sa sakit noong August 2, agad niya itong ipinaalam sa kanyang landlady. Ngunit sa halip na siya ay tulungan, pinaalis pa sya umano nito sa inuupahang bahay.

Sarado ang center

Nagtungo ang nars sa health center ng Barangay Olympia sa Makati upang humingi ng tulong ngunit sarado ito.

“Sabi sarado ang health center nila kasi may nagpapa-swab daw. (Ang sabi raw sa kaniya), ‘sasabihin ko sayo ang totoo, hindi ka matutulungan dito. Tapos ito ang number ng CESU, tawagan mo na lang.’ Sabay wala na,” banggit ni Beltejar.

Gusto na raw nitong umuwi sa kanyang probinsya sa Batangas ngunit walang masakyan dahil sa lockdown. Sa kasalukuyan, ang frontliner ay naka-isolate sa Quezon Institute sa Quezon City.

Pinaiimbestigahan ni Binay

Samantala, pinaiimbestigahan na ni Makati City Mayor Abigail Binay ang nasabing insidente.

Nurse, Pinatalsik sa Tinutuluyan Matapos Magpositibo sa COVID-19 3
Source: inquirer.net

Base sa City Ordinance No. 2020-087 na inaprubahan noong April 8, ipinagbabawal ang diskriminasyon, kabilang ang sapilitang pagpapalayas, mga paghihigpit sa pabahay o panuluyan, laban sa sinumang tao na pinaghihinalaang nahawahan hindi lamang ng COVID-19, kundi pati na rin ang iba pang mga nakakahawang sakit. Ang mga lalabag ay mahaharap sa P5,000 na multa para sa una at pangalawang opensa at dagdag na parusang isang taong pagkakakulong sa mga susunod na paglabag.

“It’s a wake-up call for the different sectors that we all have to be on the same page. Dapat lahat alam ‘yong ginagawa at hindi lang ‘yong particular sector kasi ang nangyari dito dahil sarado ‘yong mismong health care center, hindi as informed ‘yong barangay official or barangay personnel na nandoon na baka hindi niya alam ‘yong proper protocol,” pahayag ni Makati City government spokesperson Atty. Michael Camiña.

Buwelta ni Gordon

Ipinahayag naman ng chairman ng PRC na si Senator Richard Gordon na ang landlady, opisyal ng barangay at kumpanya ng nars ay may kamalian.

Nurse, Pinatalsik sa Tinutuluyan Matapos Magpositibo sa COVID-19 4
Source: Politiko

“Mali talaga ‘yong landlady. Dapat bayanihan nga eh tutulungan. Tapos ‘yong barangay na pinuntahan niya sinabi ‘wala kaming maitutulong sayo, tawagan mo itong number na ‘to kung saan ‘yon ‘yong epidemiology service na operation.’ Dapat ‘yong kompanya, hindi na muna siya pinaalis doon, sinecure na muna siya doon hanggang makakuha siya ng tulong kung saang isolation ward siya dadalhin,” paliwanag ni Gordon.

Hindi pa nagbibigay ng kanilang panig ang landlady, opisyal ng barangay at kumpanya ng nasabing nars.

Source: gmanetwork.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: