Press "Enter" to skip to content

‘O, Tulog Tayong Lahat Sa Kulungan’: Mayor Villar Ng Pangasinan, Nilabag Ang Quarantine Protocol Matapos Magdiwang Ng Kaarawan Sa Gitna Ng Lockdown

Viral ngayon ang video kung saan nagkakasayahan sa kaarawan ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo Villar III. Ang video ay kuha noong Mayo 6, panahon kung saan umiiral pa rin ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa.

Pasaway na mga opisyal

Sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa bansa, mayroon pa rin ilang pasaway na lumalabag sa protocol. Ilan dito, mga opisyal pa ng gobyerno. Sa video clip na in-upload ng anak ni Mayor Villar na si Councilor Dickerson Villar, makikita ang pagsasaya ng pamilya kasama pa ang ilang opisyal ng nasabing bayan dahil kaarawan ni Mayor Villar.

'O, Tulog Tayong Lahat Sa Kulungan’: Mayor Villar Ng Pangasinan, Nilabag Ang Quarantine Protocol Matapos Magdiwang Ng Kaarawan Sa Gitna Ng Lockdown 2

Kitang kita ang pakikipag-kamay ni Mayor Villar sa mga bisita. Balewala ang social distancing dahil sa dami ng kanyang bisita. Makikita pa si Santo Tomas Police Chief Peter Paul Sison habang masayang inihahain sa Mayor ang birthday cake.

Malinaw na paglabag

Nagkaroon ng “midnight harana” para kaya Mayor Villar na isang malinaw na paglabag sa curfew. Tuwang tuwa pa ang mga bisita na tila ba walang pandemyang kinakaharap ngayon ang bansa. Nangibabaw din sa video ang boses ni Councilor Villar na sabihin niyang napakarami nilang nilabag na batas ng gabing iyon.

‘O, tulog tayong lahat sa kulungan! Dami nating nilabag: curfew, social distancing,’ ani Councilor Villar sabay nagtawanan ang lahat.

Balewala ang quarantine protocol

Alam na alam ng mga naroroon ang naging paglabag nila sa quarantine protocol tulad ng social distancing at curfew ngunit tila balewala ito sa kanila. Ang video ay pinost ng anak ng Mayor dalawang araw matapos ang selebrasyon. Dahil sa pag viral nito, agad na binura ang nasabing video.

Ngunit bago ito nabura ay nakuhanan na ng mga screenshots ang nasabing video. Tanong ngayon ng mga netizen, ganito na ba ang sistema sa bansa? Kapag ang mga maliliit na tao ang lumabag sa quarantine protocol ay dagling hinuhuli ng mga otoridad, ngunit kapag opisyal ay may pa birthday cake pa ang hepe ng pulis.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: