Press "Enter" to skip to content

OCD “Toby” Purisima Na Bahagi Sa Pagtugon Sa COVID-19, Sinibak Sa Pwesto Ni Pangulong Duterte!

Manila Philippines- Inalis ni Pangulong Duterte si Office of the Civil Defense (OCD) Secretary Kristoffer “Toby” Purisima sa kanyang pwesto dahil di umano sa naging “lack of trust and confidence” ayon kay presedential spokesperson Harry Roque.

Ang sinabi ni Roque

Sa isang panayam ni Roque sa unang balita noong ika-22 ng Mayo, kung saan sinabi nito ang announcement sa pagkakatanggal ni Purisima sa kanyang pwesto bilang sekretaya ng OCD. Sa kabila nito ay hindi naman inelaborate ng tagapagsalitang ito ng Pangulo kung ano ang dahilan sa pagkakasibak nito.

Si Roque- COVID19
Photo Credit: GMA

Aniya,

“Meron pong announcement na tinanggal po sa puwesto si Assistant Secretary Kristoffer ‘Toby’ Purisima for lack of trust and confidence,” he said without elaborating on the exact reason for Purisima’s removal from office.

Ang tungkulin

Ayon pa din kay Roque, ang OCD ay kasama sa ilalim ng DND (Department of National Defense), na kabilang sa mga tumutugon sa mga pangyayaring krisis sa bansa at ang sentro ng opisina nito ay ang mabigay ng tulong kung mayroong kalamidad. Si Purisima na isang office’s deputy administrator ay kasama sa gobyerno na mga tumugon sa COVID-19 pandemic at sa katunayan ay may papel ang opisina nito sa nasabing pandemya na isyu.

Ang Tungkulin- COVID-19
Photo Credits: GMA

Ang tanggapan ng Civil Defense kamakailan ay binigyan ng tungkulin na tumaggap at mag-coordinate ng mga donasyon ng gamot at mga medikal na gamit at kagamitan sa gobyerno. Hiniling pa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril na ihatid ang lahat ng mga donasyon sa pambansang pamahalaan upang dumaan sa opisina para sa pagsamasama ng mga nalikom na donasyon.

Dahilan sa pagkakasibak

Sa ngayon ay wala pang kumento ang OCD tungkol sa dahilan ng pagkakatanggal ng sekretarya sa kanyang pwesto. Sinabi naman ni OCD Administrator Ric Jalad na silang mga itinalaga ng Pangulo ay laging naglilingkod ng sa ikasisiya nito.

Pagkakasibak- COVID-19
Photo Credit: Cnn

“We Presidential appointees always serve at the pleasure of the President,” – Ric Jalad

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: