Press "Enter" to skip to content

OFBank, Tinatangkilik Dahil Sa Ginhawang Hatid Para Sa Mga OFW

Dumarami ang overseas Filipino worker (OFW) ang tumatangkilik sa Overseas Filipino Bank (OFBank), ayon kay Leila Martin, presidente at CEO ng OFBank.

Digital banking

Ang OFBank ang kauna-unahang digital-only, branchless government bank sa bansa. Ito ay isang sangay ng Landbank. Layon nitong pagsilbihan ang mga OFW para matugunan ang mga serbisyo gaya ng online lending, investments, insurance, bills payment, at iba pang mga serbisyong pangpinansyal.

OFBank, Tinatangkilik Dahil Sa Ginhawang Hatid Para Sa Mga OFW 2
Photo Credit: Wikipedia

Lahat ng mg OFW na nakarehistro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ay bibigyan ng account sa OFBank.

Kasama rin sa serbisyo sa OFBank ang mobile payment, na maaaring gamitin ng mga OFW upang makapagpadala ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.

Pagdagsa ng aplikasyon

Simula ng pagbubukas ng OFBank noong isang buwan, araw-araw ay nadadagdagan ang nagbubukas ng account.

OFBank, Tinatangkilik Dahil Sa Ginhawang Hatid Para Sa Mga OFW 3
Photo Credit: GMA News

Ani Martin,

“Ever since we opened the application for digital banking, every day we receive 300 new accounts through this new platform.”

Dahil ito ay online ay mas napadali ang pagbubukas ng mga OFBank account.

Dagdag pa niya,

“It’s easy to open an account…all you need to do is download the app in your android phone or IPhone.”

Proseso ng pagbukas ng account

Ang Landbank ay gumagamit ng Digital Onboarding System with Artificial Intelligence (DOBSAI) upang mapadali at maging ligtas ang pagbubukas ng account sa OFBank.

Upang makapagbukas ng account, kailangan lamang na i-download ang OFBank Mobile Banking App sa Google Play o sa App Store at sundin ang instructions sa pagbukas ng account.

OFBank, Tinatangkilik Dahil Sa Ginhawang Hatid Para Sa Mga OFW 4
Photo Credit: Money Sense

Mayroong tatlong klase ng account ang pwedeng pagpilian sa OFBank, OFBank Visa Debit Card para sa mga overseas Filipino (OF) at OFW, OFBank Visa Debit Card para sa mga benepisyaryo, at ang OFBank Debit Card para sa mga benepisyaryong edad 18-anyos pababa.

Matapos nito ay magpapadala ng emial ang OFBank kung ang iyong aplikasyon ay matagumpay na nairehistro.

Ang mga account dito ay maaring tumubo ng interes, minimum initial deposit at monthly average daily balance, at dormancy fee. Upang umani ng interes, kailangan lamang ang account ay may daily balance na P500.00.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: