Press "Enter" to skip to content

OFW Galing Saudi Inakalang Negatibo Sa COVID-19, Pero Positibo Pala?

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na galing Saudi, Arabia ang inakalang negatibo ito sa COVID-19 matapos sumailalim sa swab testing sa Maynila, ngunit matapos ang 14 day quarantine ay sumailalim muli ito sa test at nag-positibo ito sa ikalawang resulta.

Ang false result

Ang OFW na 32 anyos mula Saudi, Arabia ay residente ng Barangay Calamay Dagupan, Pangasinan. Sa ulat nitong Huwebes ika-24 ng Hunyo kung saan sinabi na ang OFW ay unang nag swab test sa Maynila at nag negatibo ang kaniyang resulta.

False Result- Swab Test
Photo Credit: Youtube

Matapos nitong sumailalim sa 14 day quarantine ay umuwi na ito sa kanilang bayan sa Dagupan, ngunit ito ay muling sumailalim sa ikalawang swab test at dito na napag-alaman na ito pala ay positibo sa COVID-19.

Ang swab test ng lungsod

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City Focal Person for COVID-19 ay isinasailalim diumano ang mga magbabalik bayan na mga OFW sa kanilang lungsod sa isang quarantine, bago muling uulitin kunan ito ng swab test. Ang pamamaraan na ito na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod ay upang masala ng mabuti ang mga mag popositibo sa nasabing virus.

Aniya,

“‘Yung mga OFW or returning balikbayans, pagdating dito iku-quarantine and then ire-repeat ‘yung swab test nila. ‘Yun ang ginawa sa aking OFW and then it turned out na positive siya roon sa COVID-19,” 

Swab Test- Swab Test
Photo Credit: Youtube

Dagdag pa nito,

“Maganda po ‘yung pangyayari na nasalang natin or na-test natin itong mga ito dahil hindi natin masabi talaga ‘yung exposure nila,”

Record ng positibo

Sa ngayon ay umaabot na sa 977 ang kaso ng COVID-19 na kumpirmado sa Region 1,3 at Cordillera Administrative Region. Parehong 110 ang naitala sa Region 1 at CAR, at 757 sa Central Luzon.

Record- Swab Test
Photo Credit: Youtube

Gayunpaman, ang nasabing OFW na asymptomatic o hindi nagpakita ng sintomas ng nasabing virus, ay kasalukuyan ng nagpapagaling sa Region 1 Medical Center.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: