Press "Enter" to skip to content

OFW, Ginahasa Sa Mismong Kwarto Niya At Kasalukuyang Nakakulong At Di Na Pinapakain

Riyadh, Saudi Arabia – Isang OFW ang humihingi ng tulong sa embahada at nagpapa saklolo matapos niyang isinumbong na siya ay ginahasa ng anak ng kaniyang amo.

Video

Sa payak ngunit makabag damdaming video na inupload ng OFW Join Force, makikita ang isang babae na nag mamakaawa na siya ay tulungan at i-rescue sa bahay ng kaniyang amo.

OFW, Ginahasa Sa Mismong Kwarto Niya At Kasalukuyang Nakakulong At Di Na Pinapakain 2

Ayon sa OFW na si Gemma Marcos Sague, kinaladkad umano siya at ginahasa ng anak ng kaniyang amo.

Sambit niya,

“Kailangan ko po ng tulong ninyo. Ni-r4pe po ako ng anak ng amo ko. Pilit niya ako kinaladkad mula sa kusina namin papunta dito sa kwarto ko.”

Dagdag pa niya,

OFW, Ginahasa Sa Mismong Kwarto Niya At Kasalukuyang Nakakulong At Di Na Pinapakain 3

“Pag dating dito sa kwarto ko, ni-lock niya kaagad ang kwarto ko. Di na ako nakapalag at hingi ng saklolo. Please tulungan nyo po ako.”

Sitwasyon ng OFW

Bakat sa mukha ng biktima ang pagka trauma at pagka balisa na kinakamot ang kaniyang braso marahil ay para kumalma ang sarili. Makikita din na maga ang kaniyang mga mata, siguro dahil sa kaniyang pag iiyak habang siya ay pumapalag sa kahayupang ginawa ng anak ng kaniyang amo.

Ani pa niya,

“Tulungan niyo po ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Heto nag kulong na lang ako sa loob ng kwarto ko, wala ako makain.”

Sa takot nito matapos maisagawa ang pang-gagahasa ay nag kulong na lamang umano siya sa kwarto niya.

Sambit pa ni Gemma,

“Wala na sila pakialam sa akin. Gutom na gutom na ako. Di na nila ako tinatawag sa selpon. Di na nila tinotoktok ang pinto ng kwarto ko.”

Panawagan

Sa video, makikita na mukhang na-trauma si Gemma sa nangyari. Sa kaniyang pag record, umaasa siya na sana’y matulungan at ma-rescue siya sa kaniyang amo.

Bagamat humingi siya ng saklolo, wala siya nabanggit kung saan ang kaniyang address at saan siya nakatira. Ang tanging impormasyon lamang mula sa nag post ng naturang video ay ang buong pangalan ng OFW at ang kaniyang selpon number.

Sa nais tumulong, narito ang detalye:

Name: Gemma Marcos Sague
Cp #: 0551315467

To: Philippine Embassy Riyadh Paki assist itong OFW na ginahasa ng anak ng amo ayon sa kanya OFW: Gemma Marcos Sague 0551315467

To: Philippine Embassy Riyadh Paki assist itong OFW na ginahasa ng anak ng amo ayon sa kanya OFW: Gemma Marcos Sague 0551315467

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Wednesday, July 1, 2020

Source: OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: