Press "Enter" to skip to content

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom

Muscat, Oman – Apat na OFW humihingi ngayon ng tulong pagkatapos makulong sa kanilang agency. Walang sapat na pagkain umano ang sanhi ng kanilang pagkakasakit at panghihina.

Pagdulog

Isa si Edlyn Aguot Adriano na pinalad maka-alis ng bansang Pilipinas patungong Oman upang humanap ng oportyunidad at nang matustusan ang kaniyang pamilya. Disyembre noong nakaraang taon ng siya ay pinaalis at kinupkop umano ng Al Bayan Manpower Recruitment Services.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 2
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Dulot ng pagkakasakit at ng pandemiyang COVID-19 ay dumulog si Edlyn sa kaniyang ahensiya sa kawalan na din ng trabaho. Dito na siya dinala sa building ng agency at ikinulong kasama ang ibang mga kababayan.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 3
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Ani niya,

“Parang awa niyo na po tulungan niyo po kami. Matagal na po akong nagkakasakit. Gusto ko pa pong makita ang aking pamilya at mga anak. Maawa po kayo sa amin na makauwi na po kami. Di na po kami kumakain, ang payat-payat ko na po.”

Agency

Pilit umanong pinagtatrabaho ang ating mga kababayan kahit sila’y may sakit. Sa kanilang pagtanggi ay ikinulong umano sila ng kanilang agency.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 4
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Ani pa ng isang babae,

“Nahihimatay po kami. Tinutulak po kaming mag-trabaho pero hindi na namin kaya kasi nagkakasakit kami.”

Dagdag pa ng isa sa kanila,

“Hindi po kami nakaka-kain ng maayos at saka yung inumin po, kumukuha lang kami ng tubig sa lababo po at nagpapainit ng tubig para makainom kami. Kumain po kami kanina ang ulam po namin ay asin po.”

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 5
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Pinipilit din umano ng agency na magtrabaho ang kanilang mga ibang worker kahit hindi na nila kaya. Lalong lumalala ngayon ang kanilang sitwasyon at karamdamadam sa kawalan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.

Wastong Pagkain

Hindi din sila umano pinapayagang lumabas para bumili ng tamang pagkain. Kinukiha din umano ang kanilang mga pera at selpon. Kahit expired na pagakain ay kanila umanong pinagti-tiyaga-an upang magkalaman ang kanilang mga tiyan.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 6
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Ani ng isa,

“Kung pwede lang pong tumalon sa building para lang po maka-alis dito… Kahit expired po na pagkain ay ginagawan na namin para lang may laman ang tiyan namin… Kumain kami kanina asin lang at ketchup po ang ulam namin.”

Hindi daw umano sila pinapayagan ng kanilang handler na maka-alis upang bumili ng wastong pagkain. Binibigyan umano silang ng napakadaming rason para hindi mapaalis at makabili.

Kahilingan

Sa kagustuhang mabuhay ay nagpa-pakulo na lamang sila ng tubig galing gripo. Ito nalang ang nakikita nilang paraan para maibsan ang kanilang gutom.

Ani ng isa kanila,

“Please po nagmamaka-awa po kami… Nahihirapan na po kami dito. Puro nalang pagpapakulo kami ng tubig dito. Please lang po matulungan niyo po kami. Sumasakit po yung operasyon ko dito dahil wala po kaming makain ng maayos.”

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Expired Na Pagkain Para Lang Maibsan Ang Gutom 7
Photo Credit: Facebook – MO RE NA

Hindi maikukubli ang lungkot at luha ng ating mga kababayan sa kanilang sinasapit at hinihiling nila na ma-rescue sana sila sa kanilang ahensiya. kahilingan din nila na matulungan sila ng gobyerno na mapa-uwi pabalik ng Pilipinas at makasamaang kani-kanilang pamilya.

Para sa buong kwento, narito ang kanilang video:

Tita sana pray ka lang jan ganun din kami rito para sayo. Hindi ko sguro kaya kung ako nasa sitwasyon mo ngayon. Sana di kanalang tumuloy jan. Sana sinunod mo nalang yung sabi ng anak mo na kahit mahirap kakayanin nyo bsta sama sama kayo. Di ko mapigilang umiyak kasi nung magkaksama tayo, nkakaraos naman e.😭😭 Tapos ngayon nanjan ka nahihirapan.. HIHINGI TAYO NG TULONG TITA PARA MAKAUWI KANA.. INGAT KAYO DYAN.Pakishare naman po tong Video. Thank you.

Posted by MO RE NA on Saturday, June 27, 2020
SOURCE: Facebook – MO RE NA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: