Press "Enter" to skip to content

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent

Muscat, Oman – Ilang oras pagkatapos lumantad ang apat na kababayan na ikinulong sa kanilang Accommodation building ay may may lumutang pang tatlo na kababaihan at nagrereklamo naman para sa kanilang agency. Pinangalanan umano nila ang kanilang kapwa pinoy na agent na nag-kukulong at naninigaw sa kanila.

Daing

Dumadaing ngayon ang tatlong kababayan na nagngangalang Mary Grace Sagubay, Geniza Dela Cruz at Roselyn Juntong. Sila umano’y nagrereklamo na pinapadlock-an sila ng staff ng Family Manpower Agency at mistulang mina-maltrato ng kanilang handler o agent na si Catherine Cabrera.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 2
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Ani ni Mary Grace,

“Sinigaw-sigawan po niya (Catherine ) po ako. Ipinahiya po niya ako sa amo ko..”

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 3
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Tinuturong pasimuno umano si Cabrera ang siyang nagu-utos na i-lock ang ating mga kababayan sa kanilang tinitirhan. Sinasabi rin nila na kinukumpiska ang kanilang mga cellphone at pinapagamit isang beses sa isang linggo.

Pagkabahala

Labis-labis umano ang kaba at pagkatakot ng mga kababayan sa pamamalakad ni Cabrera. Hindi daw sila makatulog ng maayos sa kanilang tinitirhan at labis ang takot tuwing may nagdadabog.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 4
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Nagtatago din umano ang isa sa kanila sa silong ng kanilang kama sa takot na may mangyaring masama sa kanya. Tulala din umano minsan kapag kinakausap na sanhi ng kanyang tulirong isip kung papaanong makakalay sa pagkakakulong sa tinirhan nila.

Delikado

Inirereklamo umano nila ang proseso ng kanilang paglalagi sa nasabing accommodation sa kadahilanang delikado umano ang tumira dito. Sinasabi na kapag nadatnan sila ng sakuna tulad ng lindol o sunog ay maari nila itong ikamatay.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 5
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Hindi rin daw nila mabili o magawa ang nais nilang gawin dahil sila’y nakakulong ng di nila kagustuhan. Dumadaing ngayon sila sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at Philippine Overseas Labor Office o POLO na matugunan ang kanilang hinaing at reklamo.

Pagpapahirap

Idinudulog din umano ng ating mga kababayan na pati ilaw at saksakan ng kuryente ay pinapatay ni Cabrera kaya hindi nila magamit ang kanilang mga selpon. Ipinaabot umano ni Mary Grace sa kanyang kapatid ang kanyang paghihirap na nararanasan sa pamamalakad ni Cabrera.

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 6
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Ani ng isa sa kanila sa kapatid ni Mary Grace,

“Kuya, hindi lang ako nag iisa na nakakaramdam ng hirap sa kamay ng Cath na ito. Kaya sabi nila lalaban ako para hindi siya makasira sa pagi-isip ko at pagkatao ko.”

Dagdag pa niya,

“Hayop siya Kuya, kaya nung unang dating ng ate mo dito, sinabihan namin siya na lagi kang mago-oo kay Cath kasi ayaw namin maranasan mo ang naranasan na sigaw galing sa kanya.”

OFW, Ikinulong At Pinagtyagaan Ang Naninigaw Na Agent 7
Photo Credit: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Dahil sa naranasan na paninigaw at pagtrato kay Mary Grace ay hindi na daw ito makausap ng matino at maayos. Dinadaing nila na mapauwi na lamang sila sa Pilipinas kesa danasin ang pagpapahirap ng sa kamay ng agent nilang si atherine Cabrera.

Bulaan

Marami sa kasambahay nila Mary Grace at nang mga kasamahan nito na nasa video ang nagsasabi na bulaan at pawang walang katotohanan ang paratang laban kay Catherine Cabrera. Ito’y paghingi lamang daw nila ng simpatya sa mga tao dahil sa hindi sila sang-ayon sa patakaran ng accommodation.

Saksihan at siyasatin ang kwento sa Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Posted by Sky Lite Akhiro Takahashi on Friday, June 26, 2020
Source: Facebook – Sky Lite Akhiro Takahashi

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: