Press "Enter" to skip to content

OFW Ipinakita Kung Gaano Kadisiplinado Ang Mga Taga Kuwait Sa Pagsunod Sa Lockdown

Hindi na kaila sa atin ang pagdami ng mga taong biktima ng Corona Virus o COVID19. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang parte ng mundo. Lockdown ang naisip na solusyon nang halos lahat ng mga apektadong bansa.

Disiplinadong bansa

Maraming bansa na ang nagpatupad ng Lockdown. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang lockdown ay isang emergency protokol na karaniwang pinipigilan ang mga tao na umalis sa isang lugar. Dahil dito kailangan itong sundin ng mga taong sakop ng mga bansang nagdeklara ng lockdown.

Ganito sila sumusunod sa curfew regulations sa Kuwait (5pm to 4am) : Empty streets

Posted by Ben Garcia on Sunday, March 22, 2020

Sa pagkakataong ito, dito nakikita kung alin sa mga bansa ang may mga disiplinadong mga mamamayan. Isa sa mga ito ang bansang Kuwait. Makikita sa bansang ito ang pagkakaisa nila para labanan ang virus. Nais nilang hindi na madagdagan pa ang mga buhay na nasawi sa naturang bansa.

Ipinakita sa Facebook post ng isang OFW kung gaano ka-disiplinado ang mga taong nasa Kuwait. Sumusunod sila sa mga ipinagbabawal habang nasa lockdown ang kanilang bansa. Isa na rito ang pagpapatupad ng curfew nito, 5pm hanggang 4am.

OFW Ipinakita Kung Gaano Kadisiplinado Ang Mga Taga Kuwait Sa Pagsunod Sa Lockdown 2
Source: Facebook

Ipinagbabawal na rin sa bansang ito ang paglabas sa siyudad. Pinasara na rin nito ang mga malls, restaurant, hotels at iba pang mga gusali na maaring puntahan ng mga tao. Maging ang mga paliparan nito ay ipinatigil na rin pansamantala.

Dahil dito marami sa mga OFW ang nawalan at nahinto sa trabaho. At wala silang pagpipilian kundi sumunod sa mga ipinapatupad sa bansang Kuwait. Lahat sila ay nasa loob lamang ng kani-kanilang tahanan.

OFW Ipinakita Kung Gaano Kadisiplinado Ang Mga Taga Kuwait Sa Pagsunod Sa Lockdown 3
Source: Facebook

May kaukulang parusa ang susuway

Karamihan sa mga tao ang hindi agad sumusunod sa mga batas na ipinapatupad ng isang bansa. Lahat sila ay may mga kanya-kanyang rason kung bakit sila sumusuway. Bakit nga ba ang hirap sa kanila na sumunod? Hindi pa ba nila naiisip ang magiging resulta ng pagmamatigas nila? Paano kaya sila mapapasunod? Bigyan ng kaukulang parusa ang susuway?

OFW Ipinakita Kung Gaano Kadisiplinado Ang Mga Taga Kuwait Sa Pagsunod Sa Lockdown 4
Source: Facebook

Ito ang ginagawa ng bansang Kuwait. May parusang nakalaan sa sinumang susuway sa pagpapatupad nila sa naturang lockdown. Ang sinumang lalabag dito ay pagbabayarin ng multa at maaaring pagkakulong.

Pinatunayan ng mga tao na naninirahan sa Kuwait na sila ay disiplinado. Marunong silang sumunod sa kung anumang pinapatupad ng kanilang bansa. Sa panahon na ganito, pinatunayan lang nila ang kanilang pagkakaisa.

Magandang halimbawa

Magandang halimbawa ang bansang Kuwait dahil sa pagkakaroon ng disiplinadong mamamayan. Dapat itong tularan ng ibang mga bansa na nasa lockdown din sa mga panahong ito. Kahit ang mga OFW natin na naninirahan at nagtatrabaho doon ay sumusunod din.

Kung iisipin mo, nagawa nga ng bansang Kuwait na mapasunod ang mga tao doon. Bakit hindi magawa ng mga Pilipino? Lawakan sana ng ibang tao ang kanilang pang-unawa sa kani-kanilang gobyerno.

Source: Facebook

One Comment

  1. Mesja Mesja March 30, 2020

    Kung makinig na lng sana cla khit this time lng.. Wla sana maging problema.. Kaso dami parin matitigas ag ulo..

Leave a Reply

%d bloggers like this: