Press "Enter" to skip to content

OFW Na Hindi Pa Nakikita Ang Anak Niyang 2yo Namatay Sa Saudi Ng Hindi Man Lang Inasikaso

Isang asawa ng OFW ang nag Facebook Live upang humingi ng tulong ukol sa asawa niyang namatay sa Saudi na hindi man lang inaasikaso ng kanyang kumpanya o agency doon.

Facebook Live

Sa pamamagitan ng isang Facebook Live, ipinarating ni Florence Marquez Manansala ang kanyang hinaing tungkol sa pagkamatay ng asawa niyang si Michael Jay Manansala sa Saudi. Kwento ni Florence, mga limang araw na daw ang nakalipas nang magreklamo si Michael na masakit ang likod dahil sa pagbubuhat ng spare parts sa trabaho niya sa airport.

OFW Na Hindi Pa Nakikita Ang Anak Niyang 2yo Namatay Sa Saudi Ng Hindi Man Lang Inasikaso 2

Nagpahinga lang daw ito at nagpamasahe pero pumasok na din uli. Matapos yun, paguwi niya isang araw, tila daw nilalagnat na ito at medyo inuubo. Kalaunan, nang hindi humupa ang lagnat, lumipat na daw sa quarantine facility si Michael dahil nahihiya ito sa mga kasamahan niya dahil baka nga COVID and dumapo sakanya.

Hindi na nagtagal

Pagdating sa quarantine facility, ok pa daw si Michael. Natatawagan at nakakausap pa ni Florence ito at napapaalalahanan pag iinom na ng gamot. Ngunit kahapon daw ng 10pm, hindi niya alam na yun na pala ang huling beses na makakausap niya ng maayos ang asawa. Nakausap pa niya ng 10pm, pero nung tinatawagan niya ng 12am, hindi na daw ito sumasagot.

OFW Na Hindi Pa Nakikita Ang Anak Niyang 2yo Namatay Sa Saudi Ng Hindi Man Lang Inasikaso 3

Pinapuntahan niya ito sa mga kasamahan nito sa bahay at nakausap pa daw niya pero halatang hirap na huminga. Nagmakaawa si Florence na sana daw ay dalhin na sa hospital pero hindi daw pede.

Walang hustisya

Matapos ang 9 o 10 na oras, tinawagan nalang daw siya ng mga kasamahan ni Michael, na wala na nga daw ito at hindi na nakayanan. Hindi ngayon alam ni Florence ang gagawin ukol sa labi ng asawa niya kaya minabuti niya humingi ng tulong sa pamamagitang ng isang Facebook Live na sana ay makarating sa kinauukulan na pedeng tumulong.

JUSTICE FOR MY HUSBANDMICHAEL JAY MANANSALA

Posted by Florence Marquez Manansala on Sunday, May 24, 2020

Source: Florence Marquez Manansala

One Comment

  1. FULLARMOR FULLARMOR May 27, 2020

    Ganyan talaga sa mga bansang in sha hala.
    kaya mga kabayan, magdalawang isip kayo kung anong bansa kayo pupunta.
    2nd class lang ang turing sa atin pag punta nyo jan. mas mataas pa ang tingin nila sa kamelyo kumpara sa taong taga labas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: