Press "Enter" to skip to content

OFW Na May COVID-19 Sa Riyadh, Pinabayaan Ng Employer

Manila, Philippines – Isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia ang humihingi ng tulong at nanawagan na siya ay tulungan dahil siya umano ay may COVID-19 at pinabayaan ng kaniyang amo.

Panawagan sa video

Sa kaniyang tatlong minuto na pag video, ay makikita kung gaano siya nahihirapan at nag pupumilit mag salita para mapa abot lamang ang kaniyang nais sabihin.

Ani niya,

OFW Na May COVID-19 Sa Riyadh, Pinabayaan Ng Employer 2

Please share nyo ang aking video para umabot sa Polo. Andito ako sa Saudi, sa Sapwa. 9days na ako dito at hirap huminga. Pa-wala, wala lagnat. Humihingi po ako ng tulong. Tulungan po ninyo ako, ishare po ito na video. Maawa po kayo”

Hirap man siyang mag salita dulot ng kaniyang kinakapos na pag hinga at pa-sulpot sulpot na pag ubo ay ipinabatid niya pa din ang pag pursige na manawagan na siya ay tulungan.

Pinabayaan ng employer

Sa kaniyang video, ikinwento ng OFW na siya ay kinuha sa kaniyang tinitirhan at dinala sa isang center. Meron siyang natanggap na referal na magpa test sa hospital pero siya ay hindi pinapayagan lumabas at bagkos ay dinala lamang siya sa clinic.

Sambit niya,

OFW Na May COVID-19 Sa Riyadh, Pinabayaan Ng Employer 3

Ako po ay may referal para dalhin sa hospital pero hindi nila ako dinala doon at nilipat lamang ako sa clinic. Meron ako referal ng swab test pero hindi ako nila pinapapunta sa hospital.

Sitwasyon ng OFW

Sa video, makikita na siya ay inuubo pa at kapos na sa pag hinga. Kaniya pang Ikinwento na sa halip dalhin siya s hospital ay binigyan lamang siya ng mga gamot kahit na pa wala-wala ang kaniyang lagnat.

OFW Na May COVID-19 Sa Riyadh, Pinabayaan Ng Employer 4

Paulit-ulit njya din na sinasabi at nanawagan na siya ay tulungan dahil hindi na niya kaya. Kaniya rin batid na siya ay hindi na mag tatagal dahil sa kanihang kondisyon.

Source: Facebook – Dhudzyv

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: