Press "Enter" to skip to content

OFW, Nais Umuwi Ng Pinas Matapos Maoperahan Ngunit Gusto Pagbayarin Ng Amo Bago Makauwi

Dammam, KSA – Nagmamakaawa at wala ng lakas na mag salita ang kababayang OFW matapos itong sipa-sipain ng kaniyang among lalake ilang oras pa lamang ang nakalipas matapos tanggalin ang tahi sa tiyan dahil sa operasyon.

Kondisyon ni kabayan

Sa kaniyang maiksing pahayag, Ikinwento ni Bernadette Mercado ang sinapit nito sa kamay ng kaniyang mga amo. Ayon pa sa dalaga, bagama’t sariwa pa ang kaniyang sugat ay pinipilit na siyang mag trabaho ng kaniyang mga amo.

OFW, Nais Umuwi Ng Pinas Matapos Maoperahan Ngunit Gusto Pagbayarin Ng Amo Bago Makauwi 2

Dagdag pa dito ay pinag bantaan ito na kung gusto niyang umuwi ng Pilipinas ay kinakailangan muna niyang bayaran ang mga na gastos ng amo sa pag papa-ospital at pa-opera nila kay Bernadette sa Qatif.

Ani pa ni Bernadette,

“Tulungan nyo po ako makauwi at makaalis dito sa amo ko. Gusto ko na makauwi pero sabi ng amo ko, kailangan ko muna bayaran ang mga na gastos nila sa aking operasyon bago ako makaalis dito.”

Dagdag pa niya,

“Kahit na bago pa ang sugat ko at kakaalis lang ng tahi kahapon, sinipa-sipa na po ako ng amo ko at sinabihan na kailangan ko ng mag trabaho bukas. Sinabihan pa ako ng among lalake na kapag hindi ako nag trabaho, di nila ako papa-kainin at tatanggalan nila ako wifi.”

Operasyon

Sa dulo ng bahagi ng kaniyang video, Ipinakita ni Bernadette ang kaniyang preskong sugat matapos ang operasyon sa tiyan.

OFW, Nais Umuwi Ng Pinas Matapos Maoperahan Ngunit Gusto Pagbayarin Ng Amo Bago Makauwi 3

Ani niya,

“Eto po yung sugat ko. Naoperahan po ako noong July 24 sa Qatif. Tapos August 11 po kahapon, pinatanggal na po yung tahi ko.”

Dagdag pa niya,

“Tapos kahapon, sinabi sakin ng among lalake na mag trabaho na ako dahil okay naman daw po na ang sugat ko. Sabi ko po hindi pa ako okay dahil masakit pa po sa loob. Sabi niya, kapag hindi ako nag trabaho, hindi na niya ako papa-kainin. Jusko po, sana tulungan niyo ako.”

Malupit na amo

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Bernadette na ilang beses na niyang sinabihan ang mga amo na gusto na nitong umuwi ngunit mariing sinasabihan siya ng mga amo na kailangan munang bayaran ang mga ginastos nito sa operasyon ng OFW.

OFW, Nais Umuwi Ng Pinas Matapos Maoperahan Ngunit Gusto Pagbayarin Ng Amo Bago Makauwi 4

Ayon pa sa dalaga, ilang beses na siyang nakiusap na kung maari ay mag fill-up na lamang ng repatriation form, ngunit idini-deny ng amo ang kaniyang kahilingan at sinasabing sarado daw ang opisina. Kahit na sinabihan na ito ni Bernadette na pwde naman mag-apply online pero parang wala plano ang mga amo na gawin iyon.

Sambit pa ni Bernadette na pinapa-trabaho siya ng kaniyang amo mula ala-6 ng umaga hanggang alas 12 ng madaling araw. Dagdag pa niya na panay reklamo pa ng kaniyang mga amo dahil daw hindi naman maayos ang kaniyang mga gawa at wala na din daw siya silbi.

Ani pa ng OFW,

“Papaano po ako naging walang silbi at hindi maayos ang aking mga gawa. Nag ta-trabaho ako simula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw. Halos kulang na po pahinga ko. Tapos maaga gigising. Tapos minsan sa banuyo na lang ako nagpapahinga sa sobrang pagod.”

Dagdag pa nito,

“Yung amo ko na babae, kahit kaka linis ko lang gusto niya ulitin ko ulit ung pag linis. Tapos yung pag kain ko dito puro Tira-Tira lang nila. Halos mga dukot na kinakain ko at ka kaunti lamang.”

Ayon pa kay Bernadette, katwiran ng kaniyang amo kaya ka kaunti lamang ang binibigay ng pagkain nito at madalas ay “dukot” dahil mahal ang bigas sa kanila.

Sa ngayon ay umaasa si Bernadette na siya ay matulungan at ma-rescue sa kamay ng kaniyang amo. Samantala, bagama’t may kahabaan ang Naturang video, wala itong nagbigay na address kung saan siya nakatira ngayon ay kung sino ang pangalan ng kaniyang mga amo.

To Philippine 🇵🇭 Embassy Riyadh Paki assist itong OFW na nasa Dammam KSA

To Philippine 🇵🇭 Embassy RiyadhPaki assist itong OFW na nasa Dammam KSA

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Thursday, August 13, 2020

Source: OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: