Press "Enter" to skip to content

OFW Naman! Mga Bagong Bayani Tatanggap Ng Php10,000 Cash Assistance Mula Sa DOLE

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Marso 25, 2020, na magbibigay sila ng ayuda na nakakahalagang $200 o nasa Php10,000 cash sa mga OFW. Ito ay bilang tulong sa mga OFW na apektado ng pandemic na COVID-19.

Epekto ng COVID-19

Disyembre ng pumutok ang balitang may nakakamamatay na sakit na kumakalat sa China. Noong una ay hindi sineryoso ng mga tao kung kaya kumalat ang sakit sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang Pilipinas. Upang mapigil ang mabilis na pagkalat ng pandemic na ito, nag deklara ng kanya kanyang lockdown ang iba’t-ibang bansa. 

Gutom at hirap ang dinadanas ng mga pilipino dahil sa lockdown. Karamihan sa mga ay pansamantalang nawalan ng hanap buhay. Kung kaya naman, naglabas ng anunsyo ang DOLE na magbibigay sila ng cash assistance sa mga manggagawang pilipino. Nauna ng naibalita ang Php5,000 cash assistance para sa mga empleyado ng small at medium business sa buong bansa.

OFW Naman! Mga Bagong Bayani Tatanggap Ng Php10,000 Cash Assistance Mula Sa DOLE 2

Ngunit dahil problemang global ang pandemic na ito, pati mga OFW ay apaketado rin. Ilan sa kanila ay hindi na makaalis ng bansa dahil sa ipinatutupad na travel ban. Ang iba naman ay ayaw ng pabalikin ng employer sa takot na baka may dalang sakit ang mga OFW. Naging mabigat na pagsubok ito sa ating mga kababayan lalo na sa mga pamilyang umaasa lamang sa padala ng kanilang kapamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Cash Assistance

Tinatayang nasa 70,000 ang bilang ng OFW na apektado ng krisis na ito. Bilang tugon, naglabas ng anunsyo ang DOLE na magbibigay sila ng tulong sa mga OFW. Ang cash  assistance na matatanggap ng isang kwalipikadong OFW ay nagkakahalaga na $200 o mahigit kumulang Php10,000. Humingi ang DOLE ng dagdag na pondo sa gobyerno at sa kabutihang palad ay inaprubahan na ito ng kongreso.

Guidelines

Sa kasalukuyan, nasa Department of Budget and Management (DBM) ang budget para sa cash assistance. Hinihintay pa ng DOLE na makarating sa kanila ang pondo kung kaya naman wala pang malinaw na guidelines kung sino, kailan at paano makuha ang cash assistance. Sabi ng DOLE, maglalabas sila ng malinaw na panuntunan oras na matanggap na nila ang pondo. 

OFW Naman! Mga Bagong Bayani Tatanggap Ng Php10,000 Cash Assistance Mula Sa DOLE 3

Sa mga naunang balita, isa sa mga requirements na inihayag ay ang Certificate of Employment na galing sa kanilang mga ahensya. Ito ay isusumite sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung ang OFW ay nasa ibang bansa. Samantala, sa Overseas Workers Welfare Administration naman isususmite kung nasa Pilipinas. 

Mahigpit na paalala

Paalala naman ng DOLE, maghintay muna ng malinaw na guidelines bago sumugod sa mga nasabing ahensya. Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga OFW na mga opisina. Iniiwasan ng DOLE na kumalat ang sakit bunga ng biglaang pagsugod sa ahensya. Tandaan na kasalukuyan pang ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine sa iba’t-ibang bansa kaya iwasan ang biglaang pagpunta sa ahensya.

Source: OFW Page

2 Comments

  1. RYAN NAVARES RYAN NAVARES April 14, 2020

    Ako si ryan nopre navares, isang ofw’s sa Qatar ngayon po dito ako sa Philippines. Nais ko po makahingi ng konting tulong sainyo sa DOLE.

  2. RYAN NOPRE NAVARES RYAN NOPRE NAVARES April 14, 2020

    Hindi ko naman makontak ang agency ko dito sa Manila at hindi ko rin mapontahan dahil dito ako sa bicol region

Leave a Reply

%d bloggers like this: