Press "Enter" to skip to content

OFW, Pinagmamalupitan at Pinagbabantaan ng Amo Na Papaputulan Ng Ulo at mga Daliri Kung Hindi Ibibigay Ang Sahod

Isang 18-year old ang nananawagan na matulungan ang kanyang OFW na nanay sa Riyadh, Saudi Arabia.

Pagmamalupit

Nananawagan ng tulong mula sa Raffy Tulfo In Action ang labinwalong taong gulang na si Ivan Maru V. Pastrana para marescue ang kanyang nanay sa Saudi Arabia mula sa pangmamalupit ng mga amo nito. Ayon dito ay nanganganib ang buhay ng kanyang ina. Nagsimula umano ang pangmamalupit ng mag-asawang amo sa kanyang ina noong Enero ng taong ito.

OFW, Pinagmamalupitan at Pinagbabantaan ng Amo Na Papaputulan Ng Ulo at mga Daliri Kung Hindi Ibibigay Ang Sahod 2

“Humihingi po sana ako ng tulong para kay mama ko na nanganganib ang buhay niya ngayon sa riyadh. Nag simula ang pag sakit sa kanya noong january at hanggang ngayon.”

Pinagbabantaan

Hinihiram din umano ng among lalaki ang sahod ng kanyang ina na ngayon ay umabot na sa 8,000 riyals na syang nagkakahalaga ng higit 90,000 pesos.

OFW, Pinagmamalupitan at Pinagbabantaan ng Amo Na Papaputulan Ng Ulo at mga Daliri Kung Hindi Ibibigay Ang Sahod 3

“Yung amo niyang lalake at asawa nito ang nag mamaltrato kay mama tapos ang amo niyang lalake ay hiniram niya ang sweldo ni mama bali 8,000 riyals na ang nahiram”

Ang amo naman na babae nito ay pinagseselosan ang kanyang nanay. Nagbabanta din ang amo nitong lalaki na kapag hindi nito ibinigay ang pera ay pumirma ang amo nito puputulan ito ng ulo at mga daliri.

“binabantaan na si mama ng amo niyang lalake na kung di niya daw ibibigay ang pera ay nag sign ang amo niya na puputolin daw ulo ni mama at daliri”

Dagdag pa riyan, hindi din pinapakain ng tama at hindi ito binibigyan ng maayos na tulugan.

“at hindi siya pinapakain ng tama at walang maayos na tulugan.”

Mabagal na aksyon

Ayon pa sa anak, maraming beses na nito inireport ang sitwasyon ng kanyang nanay sa agency nito na Prime Goal at partner agency nito na Mohammed Al Haif Recruitment Office. Nangako naman ito ng tulong ngunit tila pinapaasa lamang umano ang pamilya.

OFW, Pinagmamalupitan at Pinagbabantaan ng Amo Na Papaputulan Ng Ulo at mga Daliri Kung Hindi Ibibigay Ang Sahod 4

“Ilang beses ko na nereport ko na po sa agency ni mama na Prime Goal at partner agency niya na Mohammed Al Haif Recruitment Office nagsasabi sila na tutulongan nila si mama pero wala paren silang action parang pinapaasa lang kami sa wala Sir Raffy Tulfo.”

OFW, Pinagmamalupitan at Pinagbabantaan ng Amo Na Papaputulan Ng Ulo at mga Daliri Kung Hindi Ibibigay Ang Sahod 5

Ibinalita rin nito sa LGU-PESO ang sitwasyon ng kanyang ina. Sa kasalukuyan ay naghihintay pa bg feedback mula sa OWWA.

“pumunta ako sa LGU-PESO Dumarao sa aming bayan at nereport ko din ang kalagayan ni mama nagawan na nila ng report at hinihintay nalang ang feedback ng owwa.”

Nais makauwi

Takot anf nararamdaman ng nanay ni Ivan para sa kanyang buhay. Aniya ay gusto na nito makauwi sa Pilipinas. Pulis aniya ang amo nito at mayroong mental disorder. Depresyon na rin ang nararamdaman ng OFW dahil sa pinagdaraanan nito.

“Natatakot na si mama sa kanyang buhay kasi pulis ang amo niya at may mental disorder ito. Na dedepress na po si mama kasi subra subra na po ang amo niya at asawa ng amo niya.”

Hindi na din nakakapagpadala ang mama nila dahil ang amo nito ang nagreremit ng padala nito sa pamilya. Dahil dito ay itinigil nito ang pagaaral nito para na din matulungan ang nanay na nangangailangan ng tulong.

“At hindi na nakapadala si mama kasi yung amo niya ang nag reremit nito para ipadala sa akin. Itinigil ko nalang muna ang pag.aaral ko para e report itong nangyayari kay mama na minamaltrato siya ng amo niya at wala silang awa.”

Source: Samantha B. Lopez

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: