Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Beirut, Duguan Matapos Ang Naging Malakas Na Pag Sabog Sa Lebanon

Beirut, Lebanon – Duguan at iyak ng iyak ang isang OFW matapos niyang ipakita sa social media ang kaniyang natamong mga sugat at bukol dahil sa nangyaring pag sabog sa Beirut.

Pag sabog

Ibinahagi ng isang OFW ang tindi ng pag sabog na naging sanhi ng pag tamo niya ng bukol sa ulo at pagka sugat ng kaniyang mukha at katawan. Habang isinasalaysay niya ang pangyayari, hindi maiwasan ni Ursula Buenavista Guera na maiyak sa takot at sakit ng mga sugat na natamo.

OFW Sa Beirut, Duguan Matapos Ang Naging Malakas Na Pag Sabog Sa Lebanon 2

Ani ni Ursula,

“Okay lang ako, masakit lang ang ulo ko dahil sa dami ng bukol. Hindi ko kaya makita ang sugat ko sa ulo. Yung isa dito, naka nga-nga at malaki. May mga bubog pa sa mukha ko.”

Habang sinasambit niya iyon sa kaniyang live Facebook post, tinutulingan naman siya ng kaniyang isang kasamahan na gamitin ang sugat.

Pag dagsa ng biktima

Kinuwento ni Ursula na pumunta siya sa hospital para magpa gamot ngunit dahil sa sobrang dami ng biktimang sugatan at mga patay na dinala doon ay mas pinili na lamang niyang umuwi sa bahay.

OFW Sa Beirut, Duguan Matapos Ang Naging Malakas Na Pag Sabog Sa Lebanon 3

Sambit pa nito,

“Sa sobrang dami ng tao na sugatan, hindi na nila ako napapansin. Dagsaan sila. Kaya umuwi ako, lumabas ako. Ni lakad ko pauwi ng bahay dahil di na nila ako maasikaso. Nag lakad nalang ako dahil sabi ko meron naman kami gamot dito sa bahay.”

Habang sinasambit niya iyon ay di rin matigil si Ursula sa pag punas ng tumutulong dugo sa kaniyang ulo.

Saklolo mula sa embahada

Sa naturang video, kaniyang sinabi na nakausap na nito ang tauhan ng Embahada ng Pilipinas. Dagdag pa ni Ursula na kaniya na lamang hinihintay ito para sunduin siya at dalhin sa isang hospital para mapagamot ng maayos.

OFW Sa Beirut, Duguan Matapos Ang Naging Malakas Na Pag Sabog Sa Lebanon 4

Kaniya din ipinaabot sa kaniyang pamilya na huwag silang mag-alaala sa kaniya dahil sa ngyari. Bagama’t siya ay sugatan at nag tamo ng bukol, pinipilit parin nitong mag pakatatag lalong lalo na malayo ito sa pamilya.

Source: Ursula Buenavista Guera

One Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: