Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Ireland, Namatay Sa Covid-19. Apat Na Anak Sa Pinas, Maagang Naulila

Manila, Philippines – Isang Pinoy factory worker na nagtatrabaho sa Ireland ang namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) at naiwang ulila ang 4 niyang anak.

Pakipag laban sa Covid-19

Ang 55 anyos na factory worker na si Miguel Plangca, ay tubong Ozamis City sa Misamis Occidental. Siya ay nakipaglaban sa COVID-19 sa intensive care unit ng 41 araw bago tuluyang pumanaw noong Mayo 13.

OFW Sa Ireland, Namatay Sa Covid-19. Apat Na Anak Sa Pinas, Maagang Naulila 2
Photo credit: Facebook – Mikee Plangca

Anim na taon na ang nakalipas mula ng mamatay ang asawa nito dahil sa colon cancer.

Sa isang panayam, sinabi ng kaniyang panganay na si Mikee na nagpakita ng sintomas ang ama noong Marso 28 ngunit nagawa pang makapasok nito sa trabaho. Naatasan umano si Plangca sa packing section sa pagawaang pinapasukan.P

OFW Sa Ireland, Namatay Sa Covid-19. Apat Na Anak Sa Pinas, Maagang Naulila 3
Photo credits: Facebook – Mikee Plangca

Ayon sa anak,

“He had an underlying medical condition, which is diabetes,” ani Mikee. “First na nag-complicate sa kanya is ‘yung kidney kaya he needed to be put on dialysis, hanggang sa ‘yung lungs na ‘yung na-infect. Hanggang nagtuloy-tuloy nang lumala.”

OFW Sa Ireland, Namatay Sa Covid-19. Apat Na Anak Sa Pinas, Maagang Naulila 4
Photo credit: Facebook – Mikee Plangca

Dagdag pa nito,

“Lumaban din talaga siya kahit papano. At the same time doctors were doing their very best na sakaling mag-respond siya sa medicines kasi alam din nila ‘yung background ni Papa na single parent na lang siya and apat kaming nag hihintay sa kanya. But sad to say ‘di talaga kinaya ng katawan nya.”

Muling pag luksa

Para kay Mikee at sa kaniyang mga kapatid, nagbalik ang malungkot na alaala nila mula sa pagkawala ng ina noong 2014.

Ani ni Mikee,

“Doble po ‘yung sakit, even nung nasa hospital pa siya until na nawala siya, kasi parang nag-flashback lahat nung nangyari last 2014 na nawala yung mama namin,” hayag niya. “I never have imagined na mangyayari ulit kasi this time siya na lang ‘yung nasa amin eh.”

Mga anak na naulila

Kasalukuyan pang nasa state of shock ang magkakapatid sa kalunos-lunos na balitang tungkol sa pagkamatay ng ama. Nananatili sila ngayon sa piling ng tiyahin sa Ireland, kung saan sila lumipat noong 2016.

Samantala, mayroong isinet-up na GoFundMe Page para suportahan ang mga naulilang anak ni Plangca. Sa ngayon ay nakalipon sila ng €280,974, halagang higit pa sa kanilang target ng €5,000.

OFW Sa Ireland, Namatay Sa Covid-19. Apat Na Anak Sa Pinas, Maagang Naulila 5
Photo credit: Facebook – Mikee Plangca

Si Miguel ang pangalawang Filipino na pumanaw dahil sa COVID-19 sa Ireland.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: