Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Italy, Ikinwento Kung Gaano Lumalala ang Virus Dahil Sa Pagsuway Sa Lockdown

Parami ng parami at pa-angat ng pa-angat ang bilang ng mga taong nagiging biktima at namamatay dahil sa Covid19. Sa ngayon, ang Italy ang sinasabing bagong episentro ng nakamamatay at nakahahawang sakit na kumikitil sa buhay ng libo-libong tao na naroon.

Simula ng masamang panaginip

Ang Italy ay isa sa may pinaka magandang pasyalan na dinarayo ng mga turista na galing sa ibat-ibang bansa. Sila ay kilala sa pamoso nilang pasyalan kagaya ng Trevi Fountain, Colosseum, Pantheon, Leaning Tower of Pisa at iba pa.

OFW Sa Italy, Ikinwento Kung Gaano Lumalala ang Virus Dahil Sa Pagsuway Sa Lockdown 2
Source: rappler

Binalot ng bangungot

Sa kasalukuyan meron naitalang 165,888 na mga overseas Filipino Workers na nakikipag sapalaran at nag ta-trabaho sa Italya. Isa na dito ang pamilya ni Jason Amparo na tubong Catanuan Quezon at ngayon ay nasa Milan, Italy.

Ikinwento nya kung paano nag simula ang kalbaryo ng buhay ng bawat isa doon. Ang dating lugar na puno ng sigla at dinarayo ng mga turista ay unti-unting nabalot ng takot at malagim na pangyayari. Ayon kay Jason, nagsimula ang lahat noong ika 20 ng Marso sa isang maliit na bayan ng Codogno. Kung saan naitala ang kauna-unahang kaso ng biktima ng Italy sa Covid19. Walang nakaka-alam kung paano, kung saan at kung kanino nahawa ang unang biktima.

Ang kasutilan ng tao

Pahayag ni Jason, noong ika-20 ng Pebrero, isang buwan na ang naka lilipas simula ng isinailalim sa lockdown ang maliit na bayan ng Codogno. At dahil hindi pa alam ng unang biktima na meron syang sintomas ng nakahahawang sakit, pumasok pa din sya sa trabaho at nakipag salamuha pa sa iba.

Kaya naman lalong bumilis ang paglobo ng papulasyon ng mga biktima. Dahilan pati ang kanilang karatig na lugar ay nahawa na din. Hindi kalaunan, isinailalim na din sa lockdown ang Lombardy. Ang probinsyang kilala na mayroong magagandang pasilidad at malalaking hospital sa Italy. Sila ang sentro ng kalakaran na maihahalintulad sa buong Metro Manila ng Pilipinas.

Ikinwento pa ni Jason kung paano umabot sa libo-libo kaagad ang biktima, isang linggo pa lamang ang nakalilipas mula ng ipinatupad ang lackdown. Ayon sa kanya,

“Dahil kahit lockdown na, napakadami pa din ng mga tao sa labas. Bukas pa din ang mga bars, mga shopping malls, mga hotels at restaurants. Puno pa din ang mga fastfood chains, nag paparco pa din ang mga bata at matatanda sa lansangan. At higit sa lahat, bukas pa din lahat ng uri ng pampublikong transportation.”

OFW Sa Italy, Ikinwento Kung Gaano Lumalala ang Virus Dahil Sa Pagsuway Sa Lockdown 3
Source: cnbc

Isinalaysay pa niya na kaya umano kumalat ang COVID-19 sa Italy ay dahil hindi nakipag cooperate ang mga nanirahan doon.

“Hindi na mapigilan ang paglobo ng bilang ng mga nahawa at mga namamatay. Sa madaling salita, binalewala. Hindi tumalima at hindi sineryoso ng mga tao ang panawagan ng gobyerno sa salitang “STAY AT HOME.”

“Nkakatakot po sa labas, nakakatakot lumabas. Kaya wag na po tayo maging matigas ang ulo. Kung isinailalim po kayu sa PUM (person under monitoring) o PUI (person under investigation) sundin na lang po ninyo ang nakatalagang araw na dapat kayo iquarantine. Isipin nyo na lamang na ginagawa nyo iyon dahil mas mahal nyo ang inyong mga magulang, mga kapatid, asawa o mga anak kesa sayong sarili. Ano ba naman ang 14 days diba?”

OFW Sa Italy, Ikinwento Kung Gaano Lumalala ang Virus Dahil Sa Pagsuway Sa Lockdown 4
Source: timesofisrael

Ang panawagan

Nanawagan din sya sa mga filipino na huwag matigas ang ulo, makinig at sumunod na lamang sa ipinapatupad ng gobyerno para hindi matulad sa bansang Italy.

“Kaya wag na tau pasaway, sumunod tau sa panawagan ng nakakataas mahigpit man o maluwag nila itong ipinatutupad, dahil nde nman kailangan ng kamay na bakal kung tau mismo ay my disiplina. Nde tau ipapahamak ng mga Ina at Ama natin sa pamahalaan” dagdag pa niya.

Nagbigay din sya ng saloobin hingil sa ipinatutupad ng ating gobyerno sa Pilipinas. Bukambibig niya na sa kabila ng krisis, nagpapasalamat siya sa maagang pagpapatupad ng nasabing lockdown, ang pagpapasara ng mga negosyo at mga pampublikong transportasyon.

Sa kasalukuyan

Umabot na sa 69,176 ang naitalang kaso ng Coronavirus sa Italy. 6,820 ang mga namatay at 8,326 naman ang naka recover na.

OFW Sa Italy, Ikinwento Kung Gaano Lumalala ang Virus Dahil Sa Pagsuway Sa Lockdown 5
Source: nbc4i

Samantala, sa ating bansa naman ay umabot na sa mahigit 636 na ang naitalang kaso ng COVID19. Ang bilang ng nag buwis ng buhay kabilang na ang ating mga frontliners, ay umabot na sa 38 samantalang 26 naman ang naka recover na.

Sa kabila naman ng pangyayari, positibo si Jason na matatapos at malalagpasan din natin ang lahat, basta’t tayo ay nakikinig at nag tutulungan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: