Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Riyadh Na Nag Positibo Sa Covid-19, Pinabayaan Ng OWWA

Isang babae ang humingi ng tulong sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong para sa ama niyang nasa Riyadh na nagpositibo sa COVID-19. Aniya, hindi man lang tinutulungan ng OWWA ang kanyang ama kahit sa delikado nitong sitwasyon.

Sumbong ng anak

Ayon kay Jhoy Anciano, anak ng OFW na si Celedonio “Joey” Bendia Jr., nang magpositibo ang kanyang ama,ay pinabayaan na ito ng kanyang kompanya. Kung hindi pa umano nag post at nag viral ang ama sa social media, ay hindi pa ito dadalhin sa ospital. Subalit agad din siyang inilabas doon at dinala sa hotel para i quarantine.

OFW Sa Riyadh Na Nag Positibo Sa Covid-19, Pinabayaan Ng OWWA 2

Nag post kasi ito ng video ng paghingi ng tulong dahil binabalewala siya ng gobyerno ng Pinas. Agad itong nag viral sa social media kung kaya nakuha niya ang atensyon ng kanyang kompanya.

Dedma ang OWWA

Humingi sila ng tulong sa OWWA ngunit hindi umano sila pinapansin ng ahensya. Nang mag viral ang video ng ama saka lamang din tumawag ang isang staff ng embahada na nagngangalang “Mary Ann”.

OFW Sa Riyadh Na Nag Positibo Sa Covid-19, Pinabayaan Ng OWWA 3

Hiningi lamang umano ang kanyang detalye ngunit hindi tinulungan. Pilit din umanong pinapabura sa kanyang ama ang video nito na nag viral. Mas nag aalala pa umano ito sa video na nagviral kesa sa kanyang kalagayan.

Karanasan ni Mang Joey

Sa panayam ni idol Raffy kay Mang Joey, sinabi nito ng pabugso bugso ang kanyang lagnat. At sa tuwing lalagnatin siya ay nahihirapan itong huminga. Mabuti na lamang at may mga nurse na tumutulong sa kanya.

OFW Sa Riyadh Na Nag Positibo Sa Covid-19, Pinabayaan Ng OWWA 4

Naiyak na lamang si Mang Joey dahil sa pangamba sa kanyang kalusugan. Mag isa lamang siya sa kwarto at minsan lang dinalaw ng nurse ng kompanya upang kunan ng blood pressure.

To the rescue si idol

Tinawagan ni idol Raffy si OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac upang mabigyan linaw sa kaso ni Mang Joey. Idinulog niya ang problema ni Mang Joey upang maaksyunan na ito. Binanggit ni idol ang ginawa ng staff ng embahada na imbes na kamustahin ay pinilit lang na ipabura kay Mang Joey ang kumalat na video.

Ayon kay Cacdac ay hindi niya kilala ang nasabing staff. Nangako rin ito na ibibigay ng ahensya ang lahat ng pangangailangan ni Mang Joey. Makikipag coordinate umano ito sa gobyerno ng Saudi upang mas lalong matutukan ang kalagayan ni Mang Joey.

Source: YouTube Raffy Tulfo In Action

Panuorin ang viral video dito:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: