Dammam, Saudi Arabia – Nag viral ngayon sa social media ang video kung saan makikitang namumulot ng basura ang isang OFW na 10 buwan ng nawalan ng trabaho dahil sa nagsara ang kumpanyang kaniyang pinag tatrabahuan dahil sa pandemya.
Buhay ni Tatay Manalo
Sa naturang video na ini-upload ni Richard Simbulan, kaniyang ibinahagi ang hirap na dinaranas ng kababayang OFW matapos itong makita na namumulot na lamang ng basura. Ayon kay Tatay Manalo, siya ay nagta-trabaho bilang isang drayber sa KCT Company na 10 buwan na siyang hindi sinasahuran.

Ani pa ni Richard,
“Kawawa naman si kabayan, 10 buwan na wala sahod sa kct company dto sa dammam saudi arbia. Buti nadaanan namin na namulot na lng ng basura para my maibili lng ng pagkain.”
Masalimoot na karanasan
Sa payak na pag-uusap ikinwento ni Tatay na siya ay naloko lamang ng kaniyang employer at idinulog na niya ito sa Embahada ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa umano itong aksyon. Bagama’t hindi klarado ang kaniyang pag sasalita dahil sa mask na kaniyang suot sa mukha, nasabi naman ni Tatay Manolo na siya ay nakatira sa Batasan Hills Quezon City sa Pilipinas.

Makikita rin si Richard at ang kaniyang mga kasamahan na inabutan si Tatay ng makakain at kaunting pera upang siya ay may magamit na pang bili ng pagkain nito.
Ani pa ng kasamahan ni Richard,
“Parati ko kayo nakikita dito sa daan, akala ko naman ibang lahi yun pala Pinoy din si kabayan. Sana Tatay, parati kayo dito tumambay para kahit papano ay maabutan namin kayo ng makakain kapag dumaan kami.”
Pag hingi ng tulong
Sa simpleng halaga, natulungan ng grupo si Tatay Manolo. Umaasa naman sila na nawa’y ma-aksyunan ito ng Polo at ma-rescue si Tatay.
Ayon pa kay Richard at ng kaniyang kasamahan, sa ngayon ay I-shinare na niya ang naturang video ni Tatay sa kanilang group chat ng kapwa mga OFW sa Dammam upang makita at makaabot man lang sa pamilya ni Tatay ang kaniyang sinapit.

Samantala, sinabi naman ni Richard na dahil sa bilis ng pangyayari at hindi na nila nakuha ang buong impormasyon ni Tatay ang kung saan ito kasalukuyang naninirahan.

Nangako naman siya at ang kaniyang mga ka-grupo na sa susunod na magawi sila sa lugar kung saan andun si Tatay ay tutulungan nila ito at kung maari ay kukupkupin muna.

Source: Richard Simbulan
Be First to Comment