Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Saudi Na Inatake Sa Puso, Patay Matapos ‘Di Agad Maitakbo Sa Ospital, Bangkay Binilad Pa Sa Araw!

Isang OFW sa Saudi Arabia na inatake sa puso ang namatay matapos umanong tanggihan doon ng ospital na labis ikinalungkot ng naulilang pamilya. Ngunit ang lubos pang ikinagalit ng kaanak ng OFW, ay nung iniwan lang sa labas ng kanyang pinagtatrabahuhan ang kanyang labi.

Ang pagkasawi ng OFW

Martes ng umaga sa KSA (June 23) nang atakihin sa puso ang isang OFW na kinilala bilang si Benigno Untalan sa kanyang pinagtatrabuhan sa bayan ng Al Khobar.

Sa video na kuha ng isang OFW, nagpapasugod pa daw umano sa hospital ang 58-taong-gulang na biktima na idinadaing sa mga panahong iyon ang hirap sa kanyang pag-hinga.

OFW Sa Saudi Na Inatake Sa Puso, Patay Matapos ‘Di Agad Maitakbo Sa Ospital, Bangkay Binilad Pa Sa Araw! 2
Photo Credit: Facebook- The Viral King

Ani ng anak ni tatay na si Billy Untalan,

“Two hours po siyang nag-aabang sa labas ng barracks niya, nung dumating ang ambulansya tinakbo naman siya sa ospital, ‘yun nga lang tinaggihan po siya. Eleven binalik po siya sa barracks. Doon na siya namatay, sa mismong gate, doon na siya nilagay, doon na siya binalot.”

Pagpapabaya ng pinagtrabahuhan

Base sa pamilya Untalan, wala pa umano silang hawak-hawak na death certificate ni tatay Benigno. Wala rin daw balita mula sa  employer at travel agency nito.

Ngunit ang mas kumurot pa sa puso ng  mga nauilala, ay yung pinabayaan lang ang labi ng kanilang padre de pamilia.

OFW Sa Saudi Na Inatake Sa Puso, Patay Matapos ‘Di Agad Maitakbo Sa Ospital, Bangkay Binilad Pa Sa Araw! 3
Photo Credit: Facebook- The Viral King

Ani ng asawa,

“Naka-survive sana ang asawa ko. Nilagay pa ang bangkay sa ano, parang aso… ang bait pa naman ng asawa ko.”

Ang panawagan ng mga naulila

Si Untalan ay dalawampu’t walong taon nang nagtrabaho bilang crane operator sa Saudi. Sinabi pa ng kanyang may bahay, inatake na rin daw ito sa puso noong nakalipas na taon, ngunit dahil may pinag-aaral pa, pinili pa rin ni tatay na  makipagsapalaran sa  ibang-bansa.

OFW Sa Saudi Na Inatake Sa Puso, Patay Matapos ‘Di Agad Maitakbo Sa Ospital, Bangkay Binilad Pa Sa Araw! 4
Photo Credit: Facebook- The Viral King

Ang panawagan ngayon ng mga naulila ay maiuwi sana sa Pilipinas ang bangkay ng kanilang mahal na yumao.

Panawagan ng kanyang asawa,

“Mahal na Presidente, nananawagan po ako sa inyo, at nagmamakaawa. Sana po matulungan n’yo ang asawa ko na mailibing po siya, makita ko lang bangkay niya.”

Sagot ng OWWA sa nangyari

Bilang pagtugon sa panawagan ng naulilang pamilya, ipinagbigay-alam ng OWWA Policy & Program OIC, Jocelyn Hapal, maari raw na maiuwi ang labi sapagkat hindi naman ito tungkol sa COVID-19.

Aniya,

“Hindi naman siya COVID case so maari natin siyang maiuwi. We’ll contact ‘yung ating officer. At kung may pamilya dito sa PIlipinas na puwedeng mag-report, na makausap namin ng diretso. So we can assist sa pagpapauwi, dapat siya immediately. At kung ano po ‘yung kailangang makuha po na mga benepisyong sa kanyang kumpanya.”

Panoorin ang buong video:

OFW sa Saudi hindi agad nadala sa Ospital, pumanaw!

OFW sa Saudi hindi agad nadala sa Ospital, pumanaw! Mga labi hinayaan lang sa labas!Pangulong Rodrigo Duterte, POLO, OWWA, EMBAHADA ng PILIPINAS at kay SIR RAFFY TULFO. Humihingi po ng tulong ang pamilya ni tatay na sana ay mai-uwi ang labi nito!

Posted by The Viral King on Friday, June 26, 2020

Source: Facebook- The Viral King

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: