Press "Enter" to skip to content

OFW Sa Saudi Na Positibo Sa COVID Itinago Ng Amo Sa Bundok

Tatlong kasambahay sa Riyadh ang nag positibo sa COVID 19. Nahawa umano ang tatlo sa kanilang amo at imbes na ipagamot, dinala at itinago sila sa bundok na may di kumulang na 2-3 hours ang layo sa siyudad.

Ang kondisyon

Ang mga Pinay OFW sa Riyadh ay nakaranas ng pang aabuso. Kahit umano positibo sila sa COVID ay pilit pa din silang pinagta-trabaho. Matapos magpa check up sa dalawang ospital ay kumpirmado na positibo sila sa sakit. Nahawa di umano sila sa among babae. Imbes na mag quarantine ang amo ay nag stay ito sa bahay kasama sila.

OFW Sa Saudi Na Positibo Sa COVID Itinago Ng Amo Sa Bundok 2
Photo Credit: Facebook- Julie Anne Dela Pena

Kahit masama ang pakiramdam ay di sila pinapayagan magpahinga ng amo. Dinala sila ng amo sa bundok at sinabihan na ibebenta sa iba at di papauwiin sa Pilipinas. Maaari din umanong kunin ang kanilang cellphone para di maka contact sa labas kaya naman patago at patakas lamang sila gumamit nito.

Ang panawagan

Nakilala ang dalawa sa mga pinay OFW na sila Julie Anne and Jonnalyn, subalit ang isa sa kanila ay di na nabanggit ang pangalan. Di din nabanggit ang kanilang address sa video. Humingi sila ng tulong sa pamamagitan ng social media gamit ang Facebook live. Nagsumbong din umano sila sa kanilang agency at hanggang ayon ay naghihintay pa din ng tulong.

OFW Sa Saudi Na Positibo Sa COVID Itinago Ng Amo Sa Bundok 3
Photo Credit: Facebook- Julie Anne Dela Pena

Di man daw umano sila mamamatay sa COVID-19 pero mamamatay sila sa kamay ng amo. Nakakaramdam sila ng sobrang sakit ng ulo at hirap na sa pag hinga. Di na umano sila nahihiya kung malaman ng mga tao na positive sila sa COVID-19. Ang kanila lamang hiling ay makauwi na sa Pilipinas at makasama ang kanilang mga anak at pamilya.

Ang paghihintay

Patuloy na lumalaban ang mga OFW kahit mahirap para sa pamilya. Patuloy silang nagpo-post ng kanilang kondisyon sa social media at umaasa ng tulong sa lalong madaling panahon. Umaasa sila ng agarang tulong dahil di na nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila sa mga susunod na araw at kung makaka survive pa sila.

OFW Sa Saudi Na Positibo Sa COVID Itinago Ng Amo Sa Bundok 4
Photo Credit: Facebook Jonnalyn Pobre

Ilang gabi na silang walang tulog at nananatili sa paghintay ng rescue. Nanawagan ang maraming netizen sa agarang pagtulong para sa mga kababayan.

Narito ang video ng panawagan ng mga Pinay OFW:

Sana matulungan agad ang kababayan natin Ofw sa Saudi… positibo po sila sa virus…Kahit masama na ang kanilang…

Posted by Viral NOW on Monday, June 22, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: