Press "Enter" to skip to content

Online Barter Trading, Illegal At Labag Sa Batas Nga Ba?

Ang barter trading ay ilan lamang sa pumatok noong panahon ng quarantine na isa din sa ginamit ng mga pinoy pamalit at makakuha ng pagkain, ngunit sinabi ng Department of Trade and Industry na ang uri ng transaksyong ito ay isang illegal at labag sa batas ng pagbubuwis.

Labag sa batas ng buwis

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry noong Martes July, 14 sa publiko at sinabing ang barter trading ay isang illegal na transaksyon at mayroong paglabag sa batas ng buwis.

Labag Sa Batas- Trading
Photo Credit: Philnews

Ito ay sinabi mismo ni Trade Secretary Ramon Lopez sa panayam sa Laging Handa Public Briefing. Sinabi pa ni Lopez na ang barter na transakyong ito ay “very limited” lamang na pwedeng gawin ng ilang lugar habang sa iba pa ay itinuturing itong illegal na gawain.

Lugar na pinapayagan

Ayon pa sa Cabinet Officials ng DTI na ang barter-trading kung saan nagkakaroon ng palitan ng goods at serbisyo ng walang kapalit na halaga. Ang transaksyong ito ay pinapayagan lamang diumano sa probinsya ng Sulu at Tawi-Tawi para sa pagpapalawig ng kanilang livelihood o hanapbuhay lalo na ang mga nasa parte ng karagatan.

Lugar Na Pinayagan- Trading
PhotoCredit: Saksingayon

Ang barter-trading na ito sa nabanggit na lugar ay ayon sa excutive order na issue ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Executive Order No. 64 na pirmado noon pang taong 2018.

Illegal ang aktibidad

Samantala, sa paalala ng DTI ay sinabi din nito na ang transaksyong ito ay hindi pinapayagan sa iba pang mga lugar, kaya naman sa ibang mga lugar na gumagawa ng ganitong transaksyon ay may tax na diumano na kailangan bayaran. Dagdag pa dito ay sinabing mag iimplement diumano ng paghihigpit ang gobyerno sa online barter-trading dahil kung magpapatuloy ito sa iba pang mga lugar ay isa na itong paglabag sa batas ng pagbubuwis.

Illegal Ang Aktibidad- Trading
PhotoCredit: Cnn

Aniya ni Lopez,

“Bawal nga po so – at saka nalalabag nila iyong tax law diyan – anyway, ipapahanap po natin iyon dahil illegal po iyong activity,” 

Gayunpaman, sinabi pa nito na umaaksiyon naman diumano ang kanilang composite team ng DTI at ng PNP at NBI tungkol dito. Sa ngayon wala pa naman diumano natatanggap na reklamo ang DTI tungkol sa barter-trading na transaksyon maliban sa mga reklamo sa online selling.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: