Press "Enter" to skip to content

Online Class O Physical Distancing? Panukala Ng DepEd Na Limitahan Ang Mga Estudyante Sa Susunod Na Pasukan!

Manila Philippines- Panukala ng Department Of Education (DepEd) na limitahan ang mga Estudyante sa darating na pasukan. Planong bawasan at gawing 15 hanggang 20 na lang ang maaring pumasok sa bawat classroom upang masunod ang Physical Distancing.

Physical Distancing

Ang nasabing Physical Distancing ay bahagi umano ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Mayo.

Online Class O Physical Distancing?
Photo credits: Philstar

Nauna ng inirekomenda ng isang grupo ng mga guro na Alliance of Concerned Teachers na bawasan ang malaking bilang ng mga estudyante sa bawat classroom. Base sa data noong 2018 mayroong 1:31 ratio ng guro at estudyante na bilang sa elementarya at senior high school. Habang may 1:36 naman sa junior high school.

Panukalang online class

Ang nasabing ratio ay bilang ng mga estudyante sa classroom sa bawat pampublikong paaralan. Kaya sa halip na magkaroon ng online class ay gawin na lang panukala na limitahan ang bilang ng mga estudyante. Marami din umano sa mga guro ang hindi sanay sa ganitong klase ng pagtuturo.

Online Class O Physical Distancing?
Photo credits: Philstar

May mga estudyante ding limitado lang ang access ng internet connection. Kaugnay sa nasabing panukala ay wala pang pinal na pasya ang gobyerno kung kailan magbubukas ang klase ng susunod na pasukan. Nauna naman ng sinabi ng DepEd na pabor ang kanilang mga stakeholder sa planong pagbubukas nito ng Agosto.

Ang rekomendasyon

Ang rekomendasyon naman ng Inter-Agency Task Force o (IATF) ay iurong ang nasabing pagbubukas ng klase sa darating na Septyembre. Ito ay upang mapaghandaan ng mabuti ang mga hakbang na dapat gawin bago pa man dumating ang pagbubukas ng bawat eskwelahan.

Online Class O Physical Distancing?
Photo credits: Guroph

Sa ngayon maaring makatulong ang mga online lesson gaya na lamang ng DepEd common na makikita sa kanilang website. Ito ay upang patuloy silang matuto habang hindi pa nagsisimula ang klase at naka quarantine.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: