Press "Enter" to skip to content

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee

Manila, Philippines – umusok sa galit ang seller matapos na ma-scam ng pekeng Wedding Supplier at ipina-block pa nito ang mismong legit na online store ng seller sa Shopee.

Pangha-harass ng customer

Sa ibinahaging post ni Darlene Pelayo kaniyang inirereklamo si Mariel San Jose kung saan ipina-block nito ang kanilang online store dahil hindi na-cater kaagad ang orders nito.

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 2

Ayon kay Darlene,

“Yung sabihin mong Scam kami, Fake order creation, Rebates abuse, unresolved return/refunds, HINDI KA PA NAMIN NAKA TRANSACTION MS. MARICEL SAN JOSE NAPAKASAMA MO, HINDI LANG NA ACCOMODATE ang tatlong necktie na gusto mo winasak mo ang shopee namin.”

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 3

Ito ay matapos na mag order at naging demanding itong si Maricel sa pag-order sa kanilang tindahan. Bukod pa dito, bagamat sinabihan na ng seller ang kaniyang customer na ang lahat ay ‘made to order’ lamang pero hindi pa din nagpa-away si customer at nag harass at banta pa ito.

Kaya lubos na nanlumo si Darlene matapos na I-report ni customer ang kanilang shopee account.

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 4

Aniya,

“Sa report mo talagang wasak kami, na hindi na malilift ang account namin. lam mo ba kung gaano kalaki ang nasa shopee wallet namin na pinaghirapan namin,na ngayon ay di na mabuksan?hindi lang kami ang supplier ng ties, pwede ka naman mag order sa iba,.

Transaksyon

Sa kanilang pag-uusap, maayos na kinakausap ng seller ang customer ngunit dire-diretso parin si Maricel sa kaniyang mga sinasabi at pinararatangan pa nito ang online store na peke/scam lamang.

Ayon pa kay Darlene, nag inquire sa kanila si Maricel hinggil sa neck tie na nais nito. Bukod pa diyan ay humingi pa ito ng iba pang actual photos kahit na umano mayroon na silang mga actual na larawan na naka-post ng dati sa kanilang FB account.

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 5

Ani ni Darlene,

“Nag ask po sya for more actual photos kahit 4 photos napo ang nakapost ko sa shopee, so sabi ko, “Mam you can visit our Fb page for more photos”. Then she messaged us in our Fb page na “Ruth’s Bow Tie Shop”.

Base sa kanilang pag-uusap sa facebook account ng online store, pinararatangan ni Maricel ang kanilang tindahan na peke ito at scam lamang dahil ayon sa customer, bakit pinapalioat at nire-refer siya nito sa FB account samantalang gusto nito Maki-transact sa shopee account.

Nais din ng customer na si Maricel na mag reply kaagad ang seller at unahin na I-cater ang kaniyang order kahit na pa ulit ulit na siyang sinasabihan na ito ay made to order. Dagdag pa ng seller, kailangan niyang mag hintay dahil may mga nauna ng customer silang kini-cater at naka-schedule kaya hindi agad magagawa ang gusto niya mangyaring order.

Ani niya,

“Napaka demanding nya at gusto nya in seconds reply agad (Ma’m hindi lang ikaw ang kausap ko)So, inentertain ko parin sya.”

Pag-block

Kaya lubos silang ma-dismaya matapos na hindi na nila ma-access ang kanilang shopee account ilang oras lamang ang nakalipas matapos na mag usap sila ng customer.

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 6

Ayon pa kay Darlene, base sa kanilang experience marami na kasi ang pangyayari na nagmamadali ang mga customer nila magpa gawa at pag natapos na ang order ay hindi na nito binabalikan ang mga pinagawa.

Dagdag pa niya,

“Ang masaket pa biglang blocked nalang kami (FYI pandemic po ngayon, hindi po namin pinupulot ang puhunan at pang transpo sa tela. Kung saan saan kami pumupunta mahanap lang ang Motif ng order nyo, tatahiin namin yan, handmade, we give all our effort para mapaganda ang product namin na gagamitin nyo)”

Online Store, Inirereklamo Ang Nakatransaksyong Customer Matapos Na Ipina-Block Ang Account Ng Seller Sa Shopee 7

Sa ngayon ay de-activated na ang Facebook account ni Maricel at hindi alam ni Darlene kung papaano pa maibalik ang kanilang online shop na ipina-block ni customer dahil sa hindi agad na-cater ang kaniyang order.

SOURCE: Facebook/Darlene Pelayo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: