Press "Enter" to skip to content

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa

Manila, Philippines – usap usapan ngayon sa social media ang pagka dismaya ng karamihan matapos mabasa ang ginawang open Letter ng anak ng isang tindera sa bangketa na walang awang niyurakan at tinanggalan ng karapatan ng mga alagad ni Yormi Isko.

Open Letter

Nag viral at umani ng maraming shares at komento ang ginawang Open Letter para kay Yormi Isko mula sa anak ng tindera sa bangketa. Nakasaad kasi dito ang pagka-dismaya nito sa ginawang clearing operations ng mga tauhan ni Yormi kung saan tila abusado at sumusobra na.

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 2

Ayon kay Aiza Joyce F. Carreon,

“AN OPEN LETTER TO Isko Moreno Domagoso. Good day sir, kahit hindi good day ang araw na ito para sa anak ng isang vendor na kagaya ko. Ang kahabaan ng blumentritt ay napakalinis nasa gilid ang mga vendor hindi na nakakasagabal sa kalye, naka face mask at sinusunod ang social diatancing. Payapa ang blumentritt market ngayon nagkakaroon ng tumpukan ng tao dahil sa panghuhuli ng paninda!”

Dagdag pa ni Aiza, maayos na nagtitinda ang mga tao ngunit nagka gulo dahil sa mga tauhan ni Yormi sa panahon ng pandemya kung saan nag titinda ng marangal sa bangketa kahit na nasa gitna ng krisis at pandemya.

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 3

Ani nito,

“Madaming nakasurvive na mahirap ngayon pandemic dahil sa pagtitinda nila dyan sa palengke. Ano po ba ang gustong mangyari sa tao? Mawalan ng ikabubuhay? WALANG AYUDA NA NATATANGGAP KUNG MAYROON MAN SOBRANG KULANG!”

Pagka-dismaya

Sa nasabing open Letter, ibinahagi ng anak ng isang tindera sa bangketa ang kaniyang pagka dismaya matapos maramdaman ang pang-aabuso ng mga tauhan ni Yormi.

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 4

Ayon pa kay Aiza,

“Nakaka awa yan mga taong anjan sa palengke sana konting puso! Ang lalaki masyado ng mga tao nio para mang braso ng babae nanay lola lolo sa palengke! Sa bagay ano nga naman pakialam nila sa tao lalo na mahihirap!”

Tanong pa niya,

“Eh inutusan sila! Ang tanong ganyan po ba ang inutos niyo sa mga tao niyo? Na kahit yung mga istabilisyimento pinapapasok na ang vendor sa store nila wag lang mahuli pero kinukuha pa rin ng tao nio???”

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 5

Giit pa nito,

“May pandemya ngayon, ang kailangan ng tao mabuhay maka survive!!”

Pa-bibo nga ba?

Bukod sa pagka dismaya sa ginawa ng mga tauhan, nakasaad din sa nasabing liham ang pagpa-mulat sa realidad na kasalukuyang kinakaharap ng marami.

Ayon kay Aiza,

“Hindi tayo malakas na bansa na KAYA NYONG TUGUNAN ANG PANG ARAW ARAW NA PANGANGAILANGAN NG ISANG PAMILYA! Hindi vendor ang KALABAN NIYO, kahirapan at pandemya!

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 6

Dagdag pa niya,

“Virus ang kalaban ndi ang mahihirap!”

Sinabi din ni Aiza na sana ay nakita ng konsehal ang iyak at pagwawala ng mga nanay, ate, lola, at lahat ng mga matatandang nagtitinda matapos na kunin ang mga paninda

Sambit ni Aiza,

“Kung sasabihin nyo na may lugar pra sa mga nagtitinda, nuon pa sana nagkaroon kayo ng malinis na plano para sa kanila. WAG PURO MAHIHIRAP lalo na ngayong pandemya!”

Pag kwestyon

Saad din ni Aiza na sana ngayong pandemya, isipin muna ng alkalde ang hirap ng sitwasyon lalo na ngayong may pandemya.

Aniya,

“Imbis na tinutulungan ang mahihirap lalo pang pinapahirap ang sitwasyon ng mahihirap. Nakaka-awa, nakaka galit!”

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 7

Kinwento pa niya na kahit nasa sobrang gilid na ang mga nagtitinda ay pilit pa din hinuhuli ang mga ito. Umaasa din ito na sa kaniyang sulat mabasa at mkarating ito kay Yormi.

Sambit niya,

“Ano ba ang mahirap intindhin sa KAMI NA ANG DIDISKARTE DAHIL WALANG AYUDA? Sana mkarating sayo ito alkalde ng aming lungsod. Ganito ang ginagawa sa mga vendor ng mga Hawkers!”

Hamon

Nag bigay din ito ng mensahe sa mga tao na kinukwestiyon ang oamumuhay ng mga mahihirap lalo na’t hindi nila alam ang tunay na kalagayan at oamumuhay ng mga ito lalo na ngayong nasasadlak ang karamihan sa krisis.

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 8

Ani niya,

“Sa mga mag sasabi na makulit kasi mga vendor na yan, swerte kayo at wala kayo sa kalagayan nila. Na kahit na nasa gitna ng init ng araw at ulan lumalaban sila para lang matugunan ang pangangailangan ng pamilya nila. Swerte tayo at nakasilong tayo at hindi nararanasan ang nararanasan nila lalo na sa kamay ng mapang abusong mga tao!”

Dagdag pa niya,

“FVCK THE SYSTEM! Ang lokal na pamahalaan ang dapat unang tumutulong sa mga tao hindi ang NAGPAPAHIRAP SA TAO! Huwag maging demonyo sa maynila hindi impyerno ito!!!”

Open Letter Para Kay Yorme Isko Mula Sa Anak Ng Tinderang Itinaboy Sa Bangketa 9

Umaasa si Aiza na sa kaniyang simpleng liham, mabasa at makaabot man lang ito sa alkalde ng sa gayon ay maaksyunan ang ginawang panglalapastangan ng mga tauhan nito.

Source: Facebook/Aiza Joyce Carreon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: