Browse By

Opisyal At Empleyado Ng Executive Department, Hindi Na Maaaring Dumalo Sa Senate Hearing Kaugnay Sa Covid-19 Supplies

Pagbawal sa pagdalo ng mga Opisyal at Empleyado ng Executive Department sa Senate Hearing kaugnay sa overpricing ng Covid-19 Supplies iniutos ni President Rodrigo Duterte.

Sanhi ng pagbawal

Sinabi ng Pangulo sa kanyang weekly Talk to the nation na pinalabas nitong September 30, 2021 ng gabi
“I have ordered Secretary Medialdea, I will issue a memorandum na lahat ng nasa Executive Department will no longer obey your summons”.Hinggil ito sa ginagawang imbestigasyon ng Senado dahil sa di umano ay overpricing na pagbili ng mga kagamitan sa COVID-19 response. Kabilang sa mga naimbitahan sa pag dinig ay sina IATF Chairperson and Department of Health Secretary Francisco Duque at National Task force Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. . Ang pahayag na ito ay nasabi ng pangulo ilang oras matapos ang ika sampung pag dinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Photo Credits: GMA News Twitter

Iginiit ng Pangulo na sampahan nalamang ng kaso ang mga Pharmally officials kung mayroon silang sapat na ebidensya kaysa pinatatagal nito ang imbestigasyon na nagpapa antala sa trabaho ng gobyerno laban sa Covid-19 response. Martes, October 5, 2021 inilabas sa publiko ng palasyo ang Memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Medialdea noong October 4, 2021 na may paksang “Attendance in the Senate blue ribbon commitee hearings on the 2020 commission on audit report” . Batay ito sa Article II, Section 15 of the 1987 Constitution on the protection and promotion by the state of the right to health of the people.

Photo Credits: PTV Facebook

Umapela naman ang isa sa pinakamatagal nang samahan ng mga abogado ng pilipinas ang Philippine Bar Association kay Pangulong Duterte na pag isipan muli ang kautusang ito, dahil ito umano ay unconstitutional o hindi na aayon sa batas. Nanawagan din ang nasabing samahan sa mga mambabatas na wag pag laruan ang batas para lamang sa pansariling agenda. Pinaalalahanan din ng grupo ang iba pang government officials hinalal o appointed na ang posisyon nila ay panandalian lamang at sila ay naglilingkod para sa mga pilipino.

Source: Rappler

Leave a Reply

Your email address will not be published.