Press "Enter" to skip to content

Opisyal Ng DSWD, Suportado Ang Proyektong Pangkapaligiran Sa Surigao Del Sur

Si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Rhea Peñaflor ay nagtanim ng puno ng kawayan bilang kanyang pagsuporta at pagsulong ng “KAWAYANihan” activity. Ito ay ginanap sa tabing-ilog ng Barangay Magobawok sa Bayabas, Surigao del Sur sa kanyang pagbisita sa pinakamaliit na bayan ng lalawigan nitong Hulyo 25, 2020.

Pabigay ng suporta

Ang kawayang itinanim ni ASec Peañflor ay pinangalanang “Mochi Kawayanihan.”

Sinabi ni Asec Peñaflor sa kanyang Facebook post, “Nakapagtanim po ako ng kawayan na ipinangalan ko sa mahal naming aso, si Mochi Kawayanihan.”

Opisyal Ng DSWD, Suportado Ang Proyektong Pangkapaligiran Sa Surigao Del Sur 2
Photo Source: Watchmen Daily Journal

Sinabi ni Bayabas Mayor Maria Clarita Limbaro na ang KAWAYANihan ay isang inisyatibo ng riverbank stabilization ng lokal na pamahalaan ng Bayabas bilang tugon sa Climate Change Adaptation and Mitigation program ng pambansang pamahalaan.

Pahayag ng pasasalamat

Ipinaabot din ni Mayor Limbaro ang kanyang mainit na pasasalamat kay ASec Peñaflor.

Sabi ni Mayor Limbaro,

“Mochi Kawayanihan (your bamboo), will grow, thrive, and provide vast protection to the environment. Thank you for the great honor of making yourself part of this.”

(Ang Mochi Kawayanihan (iyong kawayan), ay lalago, umunlad, at magbibigay ng malawak na proteksyon sa kapaligiran. Salamat sa malaking karangalan bilang binahagi niyo ang inyong sarili.)

Sinabi sa ulat na ang opisyal at kawani ng DSWD ay dumalaw sa bayan para sa pakikipanayam sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) sa lugar. Ang nasabing LGU ay isa sa partner local government units (LGU) sa pagpapatupad ng mga programa / proyekto ng Kagawaran.

Ang pagbisita

Nabisita nina Asec Peñaflor at ang kaniyang mga kasamahan ang Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) projects sa mga sumusunod na lugar:

1. Barangay. La Paz
 – Mangrove Reforestation (SAGIP-WAKATAN)
 – Communal Gardening (GULAYAN-BAYANIHAN)
2. Barangay Cagbaoto
 – Communal Gardening
3. Barangay Amag
 – Communal Gardening
4. Barangay Magobawok
 – Tree Growing (SAGIP-TUBIG)
 – Riverbank Stabilization (SAGIP-ILOG)

Sabi ni Asec Peñaflor,

“My visit to your humble town is a memorable one. Thank you for being the DSWD’s partner in uplifting the lives of our fellow Filipinos.”

(Ang aking pagbisita sa iyong mapagpakumbabang bayan ay hindi malilimutan. Salamat sa pagiging katuwang ng DSWD sa pag-aangat sa buhay ng ating kapwa Pilipino.)

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: