Viral ngayon ang isang Facebook post na mayroon caption na “Take it from Richard Gomez”. Ito ay dahil sa inabot lamang ng apat na araw si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pamimigay ng relief goods sa kaniyang mga nasasakupan.
Mas mabilis
Ayon sa post ni Josephine Quino, sinabi umano ni Gomez na ang dahilan kung bakit mabilis niyang naipamigay ang mga relief goods ay dahil hindi na niya ito inire-repack. Sinabi ni Gomez na kung gagawin pa niya ito ay baka tapos na ang ECQ ay hindi pa rin nila naipamimigay ang ayuda sa mga tao. Mas mabilis at walang naaksayang oras at effort umano ang kanilang ginawa.

“If I opted to repack, I won’t be able to distribute everything on time. Matapos na lang ang ECQ, di pa maaabutan lahat. Giving them one sack of rice at once will save me a lot of time and effort.”
Ito naman ang naging sagot ni Gomez ng siya ay tanunging tungkol sa pagrerepack.
Listahan
Dagdag pa Josephine, sinabi din umano ni Gomez na hindi na sila gumawa ng listahan ng mga pagbibigyan ng ayuda at bawat bahay ay nakatanggap. Mayroon umanong 67,000 na tao ang nangangailangan ng agarang tulong kung kaya naman hindi na nila aaksayahin ang oras sa paggawa pa ng listahan ng mga dapat mabigyan ng tulong.

Sa ganitong paraan inabot lamang ng apat na araw ang lokal na pamahalaan ng Ormoc City sa pamimigay ng mga bigas at canned goods.
COVID-19 Free
Bukod sa mabilis na pagbibigay ng ayuda sa nasabing lungsod ipinagmamalaki rin ni Josephine sa kanyang post na COVD-19 Free ang Ormoc City. Dagdag pa niya simple at madali lamang masolusyunan ang problema sa ayuda ng mga lokal na pamahalaan. Pinapahirap lamang umano ito ng iba.
Source: Facebook
Sna po mahal na pangulo, makauwi na po kme sa aming pamilya, kame po na mga nalockfown dto sa manila