Press "Enter" to skip to content

Ospital Ng Tondo, Isasara Sa Loob ng 10 Araw

Pansamantalang isasara muna ang Ospital ng Tondo, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno. Sa loob ng sampung arae ay hindi na muna tatanggap ng pasyente ang ospital matapos na magkasakit ang 32 na mga doktor at nars na syang nag-aalaga sa mga covid patients.

Temporary closure

Ang pansamantalang pagsasara ng ospital ay base sa kahilingan ng direktor nito, ayon kay Moreno. Aniya ay nagiging pasyente na din ang mga doktor at nars na nangangalaga sa mga covid patient. Kaya naman upang mabigyan ng panahon upang makapagpagaling ang mga ito, inanunsyo ang pagtigil nito na tumanggap muna ng mga pasyente.

Ospital Ng Tondo, Isasara Sa Loob ng 10 Araw 2

“May request ‘yung aming director sapagkat meron kaming 32 patient na doctor and nurse ng aming sariling ospital. So para maka-relax, ma-ease the burden na ang pasyente ay doctor na rin, pasyente ay nurse na rin at mabigyan sila ng panahon na maka-recover…at makapagpahinga na rin,”

Pahayag pa nito,

“Kami po ay hindi muna tatanggap ng pasyente sa loob ng 10 araw sa Ospital ng Tondo.”

Exemption

Gayunpaman, may exemption ang ospital. Ang mga pasyente na mangangailangan ng agarang medical treatment o emergency cases ay tatanggapin pa rin ng ospital. Habang ang iba naman ay papayuhan na magpunta sa iba pang limang ospital sa Maynila.

Ospital Ng Tondo, Isasara Sa Loob ng 10 Araw 3

Ang mga covid patients na nasa Ospital ng Tondo ay patuloy na aalagaan at makatatanggap ng treatment.

Recover

Matatandaang noong Mayo ay nauna nang isinara magmula May 11 hanggang 24 upang bigyaang daan na makarekober ang mga nagkakasakit nang frontliners.

Nito lamang unang pasok ng Agosto, humiling ang buong samahan ng mga health workers ng “timeout” dahil sa patuloy na pagtaas at paglala ng kaso ng covid sa bansa. Nagkakasakit at napapagod na ang mga frontliners, at liban pa dyan ay nagkakaubusan na ng slot sa mga ospital dahil sa taas ng bilang ng mga nagkakasakit sa bawat araw.

Latest bulletin

Sa latest bulletin na inilathala ng lungsod ng Maynila noong Agosto 7, mayroon na itong naitala na 5,719 covid cases. Mayroon itong 1,253 active cases, 3,690 recoveries at 236 naman ang nasawi.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: