Manila, Philippines – Ayon sa Facebook post ng News5, kinumpirma ng abogado ng may-ari ng ostrich na niluto nga ang karne ng pumanaw na ostrich at ginawang adobo.
Ulam o pinulitan?
Sabi ni Atty. Charlie Pascual, nalaman na lang daw ng may-ari ng ostrich na ginawang ulam ang ostrich matapos niyang utusan ang mga tauhan niya na ilibing ito.

Ani ni Atty Pascual,
“Noong bumisita po si Mr. Cruz, ni-report po ng tao niya na sila ay nanghinayang sa karne noong ostrich.”
Dagdag pa ni Pascual,
“Nabigla po si Mr. Cruz, wala naman po sa kanyang control. Nailuto po ng mga boy ‘yung namatay na ostrich.”
Viral ostrich!
Agad naging viral sa social media ang mga video kung saan kita ngang pa-ikot-ikot sa subdivision ang mga ostrich matapos makawala ng mga ito. Maging ang mga sikat na artista nga ay napa-comment sa viral video na ito. Naging trending din nga ang “Jumanji” matapos kumalat ng video na ito.

Subalit, naibalita namang ang isa sa dalawang ostrich ay pumanaw dahil sa “stress.” Pero, duda naman ang ibang animal rights group dito.
Pag imbestiga
Matatandaan na nitong linggo lamang ay sinabi ng DENR na sinisumulan na ang imbestigasyon ng nakawalang ostrich. Napag alaman din na kulang ang papeles at wala umanong kaukulang permit ang may ari na alagaan ito.

Samantala, ang natitirang isa pang ostrich na pag kamay-ari ni Cruz ay itinurn over na at ngayon ay nasa pangangalaga na ng DENR.
Source: News5
Be First to Comment