Press "Enter" to skip to content

Ostrich Na Tumakbo Sa QC, Na-Stress Patay! Amo, Mananagot Sa DENR!

Manila, Philippines – Matapos mag Ala-Jumanji ng isang araw, pumanaw na ang isa sa dalawang ostrich na nag-viral na nakuhanang tumatakbo sa Quezon City dahil sa stress, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Spokesperson Undersecretary Benny Antiporda.

Pag imbestiga

Batay kay Antiporda, sinabi ng nagpakilalang may-ari ng ostrich na si Jonathan Cruz na nasawi na umano ang isang ostrich.

Ostrich Na Tumakbo Sa QC, Na-Stress Patay! Amo, Mananagot Sa DENR! 2
Photo Credit: Inquirer.net

Siniguro naman ni Antiporda na hindi titigil ang DENR sa pag-iimbestiga hanggat hindi naipakikita ang bangkay ng nasabing ostrich.

Walang permit

Kahapon, Agosto 7 ay isinurender ni Cruz sa DENR ang isang ostrich at inalagak sa Wildlife Rescue Center para maalagaan.

Ostrich Na Tumakbo Sa QC, Na-Stress Patay! Amo, Mananagot Sa DENR! 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Wala pa ring maipakitang permit si Cruz na binibigyan siya ng karapatan para mag-alaga ng kahit anong uri ng wildlife animal.

Mananagot sa batas!

Tiniyak ni Antiporda na magkakasa ang DENR sa Lunes ng imbestigasyon sa nagpakilalang may-ari. Nais alamin ng kagawaran kung paano napunta sa Mapayapa Village ang mga hayop, gayong ang address ni Cruz ay sa Balingasa, Quezon City.

Ostrich Na Tumakbo Sa QC, Na-Stress Patay! Amo, Mananagot Sa DENR! 4
Photo Credit: Pinas Balita

Nakatakda ring alamin ng DENR kung paano napunta ang mga hayop sa Quezon City dahil ang permit to transport nito ay mula Misamis papuntang Nueva Ecija lamang. Tiniyak din ni Antiporda ang patuloy na imbestigasyon at pananagutin ang sinumang may pagkakamali rito.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: