Press "Enter" to skip to content

Oversupply Na Gulay, Binili Ng Bocaue, Bulacan LGU At Ipinamahagi Sa Mga Senior Citizen

13,200 na kilo ng gulay mula sa Mt. Province ang binili ng lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan at ipinamahagi bilang relief goods sa mga senior citizen.

Oversupply

Hirap ngayon ang mga magsasaka sa Mt. Province dahil sa tone-toneladang gulay na hindi nila maibenta at mailuwas dahil sa Luzon Lockdown. Hindi umano ito maibyahe dahil sa banta ng COVID19. Marami rin sakanilang mga buyer ang nagsasara ng mga tindahan kung kaya naman wala na silang magawa kundi itapon nalang ito.

Dahil sa maraming Pilipino ang walang trabaho ngayon at umaasa sa mga relief goods, nanawagan ang mga magsasaka na kung maari ay ang mga gulay nalang nila ang bilhin at ipamahagi sa mga tao. Bukod sa masustansya na ito matulungan din sila at hindi na rin masayang ang mga gulay.

Salamat

Batid naman ng pamahalaang lokal ng Bocaue, Bulacan ang hirap ng mga magsasakang ito. Kung kaya nagtungo sila sa Mt. Province at binili nila ang 13,200 kilos na iba’t ibang klase ng gulay. Laking pasasalamat naman ng mga farmers sa tulong na kanilang natanggap.

Labis ding ikinatuwa ng mga farmers na nabili umano ang kanilang mga bentang gulay sa makatarungang presyo.

Relief goods

Ang mga gulay na nabili ay isinama sa mga relief goods na ipapamahagi sa mahigit 16,000 na mga senior citizen sa bayan ng Bocaue. Ayon sakanila, ang mga ito ang higit na nangangailangan ng mga gulay lalo na’t sila ang madaling madapuan ng COVID-19. 

Magtulungan

Ikinatuwa din naman ng mga tao ang naging aksyon ng lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan Sa panahon ngayon umano, malaking bagay na ang bawat isa ay nagtutulungan. Tama lang umano na sama-sama natin paglabanan ang krisis na ating kinakaharap at siguradong mas madali natin itong malalampasan.

Source: Stand For Truth

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: