Press "Enter" to skip to content

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod

Isang nag-aalalang anak ng Overseas Filipino Worker sa Saudi ang ngayon ay nanghihingi ng tulong na mapauwi ang kanyang nanay. Lubos ang pag-aalala ng netizen na si Em Em para sa kaligtasan ng kanyang ina mula sa kamay ng malupit na amo at hindi nakikipag-ugnayang ahensya nito.

Overworked

Ayon sa anak ng OFW na si Marina Jabas Cabrera, walang tigil ito sa trabaho sa bawat araw. Pagal at nagkakasakit na ito dahil sa hindi magandang trato ng kanyang among babae.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 2

Feb 28 ng kasalukuyang taon nang lumapag sa abroad si Cabrera at sa unang linggo nito ay pinagtrabaho na ito agad sa bahay ng kapatid ng amo nito.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 3

Gayunpaman, hindi ito pinasahod sa serbisyo nitong isang linggo sa kapatid ng amo. Hindi din ito binilhan ng sim card at pinapakonek sa wifi upang makontak ang pamilya sa Pilipinas.

Nalilipasan

Sumbong pa ng netizen, madalas nalilipasan ng gutom ang ina dahil sa walang tigil na trabaho. Kinakalat din umano ng among babae ang mga gamit upang pahirapan ito.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 4

Dahil sa lubos na pagtatrabaho, nagkasakit na ito ng highblood. Nang ipakonsulta ito sa doktor, pinayuhan ito na magpahinga. Gayunpaman, hindi nasusunod ang payo ng doktor at patuloy pa din ito pinapahirapan ng amo.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 5
Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 6
Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 7

Wala pang aksyon

At dahil nag-aalala na ang pamilya ni Cabrera, minabuti ng anak nito na ipaalam ang kondisyon ng kanilang ina sa ahensya nito sa Pilipinas. Ayon umano sa ahensya, kakailanganin nito ng 250k para makauwi. Gayundin ang parehong inilahad ng ahensya ng ina nito sa Saudi.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 8

Dahil walang malaking pera na hawak ang pamilya, nagtiis pa ng ilang buwan ang kaawa-awang OFW. Kasama sa pagtitiis nito ay ang palaging nakakaramdam ng pagkahilo, nasusuka at pamamanhid na din ng katawan.

Tuloy na pagtatrabaho

Nang makahingi ng tulong sa POLO ang pamilya, napagdesisyunan ng amo na ito ang bibili ng tiket para sa OFW. Gayunman, hanggang ngayon ay wala pa din itong ibinibigay na tiket.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 9

Tuloy ang pagtatrabaho ni Cabrera. Sa kasalukuyan ay positibo sa covid ang anak ng amo ni Cabrera at ito pa mismo ang pinaglilinis ng kwarto ng maysakit.

Overworked Na OFW, Pinagtutulungan Ng Agency At Amo Kahit Halos Mamatay Na Sa Pagod 10

Dagdag pa riyan ay hindi na maganda ang kalagayan ni Marina. Nang maglalaga ito ng luya para sa sarili, tinanggal nito ang burner para hindi makapagluto.

Sa ngayon ay naireport na ng pamilya sa OWWA ang kalagayan ng ina at naghihintay pa ng panibagong update. Hangad ng netizen na agarang maabutan ng tulong ang kanyang ina na ngayon ay nahihirapan sa ibang bansa. Kalakip sa post nito ang usapan nila ng agency na tila ang OFW pa ang sinisi sa tinatamasa nito.

Source: Facebook/Em Em

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: