Press "Enter" to skip to content

P1-M Na Shabu Nasabat, Supplier Misteryo Sa PDEA

Legazpi City, Philippines – Isang lalaki ang nadakip kamakailan sa Bikol. Nagpapanggap ang lalaki na isang PDEA agent ngunit sa katunayan ay isang pusher ng ilegal na droga.

Buy-bust

Dakong 9:50 ng gabi noong July 25, 2020 ang pinagsamang grupo ng PDEA Albay PO, PDEA RSET, PDEA SIU, RSOU/RPDEU 5 at Legazpi CPS ay masusing nagsagawa ng operasyon. Matagumpay nilang nahuli nila si Randix Ramirez y Laniog 34-taong gulang at residente ng Zone 4, San Agustin, Irgia City, Camarines Sur.

P1-M Na Shabu Nasabat, Supplier Misteryo Sa PDEA 2
Photo Credit: Facebook – Leader News Philippines

Laking gulat ng mga operatiba ng masabat kay Ramirez ang isang bag na naglalaman ng shabu na halos 150 gramo. Ang nasabing droga ay nagkakahalaga ng halos 1 milyon.

Entrapment

Matagal na pinagmamatyagan ng mga operatiba ang ilegal na aktibidades ni Ramirez sa lugar. Isa rin siyang kilabot na supplier ng ipinagbabawal na gamot sa lugar.

P1-M Na Shabu Nasabat, Supplier Misteryo Sa PDEA 3
Photo Credit: Facebook – Leader News Philippines

Masusing nagsagawa ang mga operatiba upang madakip si Ramirez. Isang undercover agent ang naka-transaksiyon ni Ramirez sa Phase II, Imperial Court Subdivision, Barangay 24 kung saan dito narin siya nahuli.

Pagsampa ng Kaso

Sinampahan si Ramirez ng patong-patong na kaso para sa paglabag niyo sa Comprehensive Dangerous Drugs Act or RA (Republic Act) 9165. Si Ramirez ngayon ay nasa kostodiya ng PDEA habang nililitis ang mga kaso laban sa kanya.

Tinitingnan din ang anggulo ng pagsampa ng kaso bilang pagpapanggap na isang ahente ng PDEA. Kasalukuyang iniimbestigahan pa kung sino ang supplier at kung papaano niya naipapasok ang ganung halaga ng droga sa lugar.

Basahin ang buong kwento sa Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: