Press "Enter" to skip to content

P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash

Lubos ang panghihinayang ng isang netizen matapos itong mabiktima ng isang online scammer. Ang nanakaw na pera mula sa netizen ay ukol sa 2nd tranche ng ayuda na syang ipinadala sa GCash.

Panghihinayang

Puno ng panghihinayang ang post ng netizen na si Adnerb Dela Cruz. Ito ay matapos ito tila aniya mahipnotismo ng nagpanggap na taga-GCash. Nagsimula ito nang makatanggap ang tiyahin ni Dela Cruz na naipadala na ng DSWD ang ayuda para sa 2nd tranche sa GCash account nito. At dahil matagal nang hindi nagagamit ng kanyang tiyahin ang nasabing account, nawala na din sa isip nito kung ano nga ba ang pin para maccess ito.

P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 2

Sinubok ng netizen na magpunta sa mga remittance centers upang makahingi ng tulong ngunit hindi nabigyang linaw bunsod ng higit na pangangailangan sa PIN number. Nagsubok din ito pumunta sa mga Globe centers ngunit hindi pa din agarang nabuksan ang account.

Online scammer

Dahil sa desperasyon, naghanap na lamang ng online GCash assistance ang dalaga at doon ay nakipagtransaksyon. Sa post ni Dela Cruz ay may mga kalakip na larawan na nagpapakita ng usapan nila ng account nanagpanggap bilang GCash Cares Assistances.

P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 3
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 4
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 5
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 6
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 7
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 8
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 9
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 10
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 11
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 12
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 13
P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 14

Sa usapan ng dalawa ay makikita na naibigay ng dalaga ang mga mahahalagang impormasyon, pati na din ang mga code na syang pinapadala ng bangko sa nakarehistrong numero. Sa huli ay nabuksan na ng netizen ang account ng kanyang tiyahin ngunit wala na doon ang pera.

Nanawagan ng tulong

Kaya naman, puno ng panghihinayang ang dalaga at nananawagan ng tulong na mahanap kung sino ang nanamantala sa kanyang pamilya.

P16K Na Ayuda Ng Isang Pamilya, Naiscam Ng Nagpanggap Na Taga-GCash 15

Panawagan nito,

β€œPLEASE SHARE PO !! GUSTO KO PO SNA MAKARATING TO KAY SIR #RAFFYTULFO !! 😭 BKA SAKALING MATULUNGAN NYA PO KME MABAWE UN 16000 , SA PANAHON NGAYUN SOBRANG LAKI PO NG 16000 PARA SMEN ! PLEASE PO ! TULUNGAN NYO PO KME MAHULI YUNG SCAMMER πŸ˜­πŸ˜­β€

Nag-iwan naman ng mensahe ang dalaga para sa taong nanloko sakanila,

NAPAKALAKAS NG KAPANGYARIHAN MONG DeM0nY0 KA !! PAKIRAMDAM KO NA HIPNOTAYS MOKO KAHT SA CHAT LANG !!! HAYUP KA !! DI NATTULOG ANG DIYOS !! πŸ˜­β€

Maging maingat

Paalala sa lahat, maging mapagmatyag at maingat sa mga makakatransaksyon online. Lalo pa, huwag basta ibibigay ang mga mahahalagang personal na impormasyon pati na din ng mga codes. Hindi ito hinihingi ng lehitimong ahente kaya dapat maging maingat palagi.

Source: Adnerb Dela Cruz

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: