Press "Enter" to skip to content

P17-M Modern Rural Health Facility, Itatayo sa North Cotabato

Ang mga lokal na opisyal ng North Cotabo ay pinasinayaan ang groundbreaking ceremony noong Martes, July 21 ang pagtatayo ng PHP17-milyong modern rural health center na naglalayong mapalakas ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga nasasakupan nito.

Pagpapasinaya ng seremonya

P17-M Modern Rural Health Facility, Itatayo sa North Cotabato 2
Photo Source: Page One

Pinangunahan ni Makilala Mayor Armando Quibod ang ground-breaking ceremonies kasama ang Department of Health (DOH) – 12 representative Dr. Rey Santella; Eva Rabaya ng Integrated Provincial Health Office; at Municipal Health Office (MHO) chief, Dr. Georgina Sorilla.

Sinabi ni Lito Cañedo, municipal information officer na ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng DOH quick response fund at nakatakdang makumpleto sa Enero 2021.

Pagtatayo ng health center

Personal na nag-donate si Quibod ng isang bahagi ng kanyang pribadong lupain para sa site area na may 2,100 square meters na matatagpuan malapit sa municipal health office at municipal hall.

Sabi ni Cañedo,

“This is the landmark program of this town administration who wish to improve the delivery of health services.”

(Ito ang landmark program ng town administration na nais mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan.)

Dagdag pa niya, ang ipinanukalang pasilidad na state-of-the-art ay magkakaroon ng isang modern laboratory hub, outpatient department, birthing center, at MHO.

Ang naunang plano

Bago ito, ang paunang plano ng local government unit(LGU) ay magtayo ng isang municipal ospital ngunit inirekomenda ni DOH-12 Director Dr. Aristides Concepcion-Tan na sa halip ay maglagay ng isang modern health facility upang matiyak ang posibilidad ng operasyon.

Sabi ni Cañedo.

“It’s quite difficult for the LGU to maintain a hospital which needs some PHP2 million monthly to efficiently sustain its operation that is why we changed our plan.”

(Napakahirap para sa LGU na mapanatili ang isang ospital na nangangailangan ng humigit kumulang PHP2 milyon kada buwan upang mapanatiling maigi ang operasyon nito na ang dahilan kung bakit namin binago ang aming plano.)

Ang umiiral na rural health center na nasa Poblacion ay mayroong tatlong full-time doctors, isang dentista, maraming mga nars, at mga clerical staffl. Ginagamit ang tanggapan nito bilang isang temporary shelter pagkatapos ng serye ng mga tremor na sumira sa kanilang pasilidad noong nakaraang Oktubre 2019.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: