Press "Enter" to skip to content

P175k Grand Tulong Ni Sir Raffy, Dinedma Ng Lucky Winner!

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami na ang natulungan at mahaba rin naman ang pila ng mga nais makahingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo. Liban pa sa mga tulong medikal at pinansyal, namimigay ng cash si Idol Raffy para sa mga taong sa palagay nito ay deserving na matulungan.

Grand tulong

Marami ang tumututok sa Grand Tulong ni Idol Raffy na kung saan ay mayroong tsansa ang mga viewers nito na makatanggap ng malaking halaga. Sa kahapon na episode, isang babae ang maswerteng makakabingwit sana ng tumataginting na P175K! Tatlong beses na dinial nina Idol Raffy at assistant nito ang numero ng maswerteng matatawagan, ngunit nang sumagot si ate, sinungitan lamang nito si Idol Raffy. Pagkasagot nito ng telepono, isang masungit na boses ang nagtanong kung sino ang nasa kabilang linya.

P175k Grand Tulong Ni Sir Raffy, Dinedma Ng Lucky Winner! 2

Dedma

Nagbiro naman si Idol Raffy at nag-Bisaya, sa pag-aakalang nanonood ang maswerteng viewer. Kailangan kasi sabihin ng lucky pick kung ano ang kasalukuyang kulay ng suot ni Raffy at ng kanyang assistant upang manalo. Ganunpaman, matapos ang dalawang beses na pagdecline ni ate ng tawag nina sir Raffy, nagsungit naman ito nang sagutin na ang tawag. Anang ng babae,

P175k Grand Tulong Ni Sir Raffy, Dinedma Ng Lucky Winner! 3

“Hello? Sino ‘to? Sino ka? Hindi kita kilala!”

Daling binaba ng babae ang telepono at hindi na din nakapagpaliwanag pa si Idol Raffy. Ibinahagi ni sir Raffy na ang entry ng babaeng sumali ay tulong para sa iba at hindi para sa sarili.

Hindi deserving

Tila marahil ay malaki ang panghihinayang ng babaeng lucky winner. Ang cash na P175k na sana ay naging bato pa! Panay naman ang tukso ng netizens sa Youtube comments dahil sa anila ay paga-attitude ng ate. Anila ay kilala man o hindi ang numero ng tumatawag ay dapat maging mapagunlak ito at hindi nagsusungit. Hirit pa ng netizens, hindi deserving ang babae at para anila sa iba ang papremyo na umakyat na sa P200k.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: