Press "Enter" to skip to content

P20,000 Cash Benefit Planong Ipamahagi Sa Mga Miyembro ng SSS Na Nawalan Ng Trabaho

Ang lahat ng contributing members ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho, ay makatatanggap ng hanggang sa P20,000 cash benefits na nakabatay sa kanilang buwanang suweldo, isang opisyal na ulat nitong Martes.

Benepisyo mula sa SSS

Sinabi ni SSS Public Affairs at Special Events Division head Fernando Nicolas, ang miyembro ng SSS ay kailangang mag-pakita ng certification mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at savings account.

Aniya sa isang panayam sa Unang Hirit,

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga.”

P20,000 Cash Benefit Planong Ipamahagi Sa Mga Miyembro ng SSS Na Nawalan Ng Trabaho 2
Photo Credit: Rappler

Dagdag pa rito,

“Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit.”

Araw ng pagtanggap ng benepisyo

Ayon kay Nicolas ang benepisyo na matatanggap ng miyembro na nawalan ng trabaho ay inaasahang makukuha sa loob ng limang araw. Ang benepisyong ito ay hahatiin sa dalawang distribusyon sa loob ng dalawang buwan.

P20,000 Cash Benefit Planong Ipamahagi Sa Mga Miyembro ng SSS Na Nawalan Ng Trabaho 3
Photo Credit: Philstar

Nabanggit din ni Nicolas na ang mga miyembro ay kwalipikado pa rin na makatanggap ng benepisyo kahit na nakakuha na sila ng tulong mula sa programa ng gobyerno.

Aniya

“Ito pong benepisyo na ito ay galing sa SSS.”

Mga kwalipikado sa benepisyo

Ayon kay Nicolas, epekto man ng COVID-19 o hindi ang pagkawala ng trabaho, maaari paring makatanggap ang miyembro ng SSS ng benepisyo.

P20,000 Cash Benefit Planong Ipamahagi Sa Mga Miyembro ng SSS Na Nawalan Ng Trabaho 4
Photo Credit: MSN

Para naman sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, sa halip na sa DOLE kukuha, ang kinakailangang certification ay maaaring hingiin mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO).

Gayunpaman, ang mga miyembro ng SSS na nakarehistro bilang self-employed ay hindi kwalipikado sa nasabing programa.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: