Press "Enter" to skip to content

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan!

Manila, Philippines – Nilinaw ng logstics firm na 2Go Group Inc na libre nilang pinahiram sa pamahalaan ang dalawa sa kanilang barko upang gawing floating quarantine facilities para sa mga pasyente ng Covid-19.

Ang pahayag

Ayon sa Chairman ng 2Go Group na si Dennis Uy, matapos inanunsyo ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade sa kaniyang isang briefing na ang renta ng pamahalaan ay P35 milyon para sa dalawang barko.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 2
Source: Rappler

Samantala, sinabi ni Uy sa kaniyang isang pahayag na ang actual cost para sa operation ng dalawang barko ay nagkakahalaga ng P260 milyon.

Ang nasabing “bayad”

Ang 35 milyon na sinasabi aniya ni Tugade ay alok lamang sa kanila kapalit nga ng pag gamit sa kanilang barko bilang floating quarantine faciliies. Binigyang diin ni Uy na walang balak silang mga shareholders ng 2Go Group Inc na tanggapin ang bayad na ito mula sa pamahalaan.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 3
Source: CNN Philippines

Naniniwala aniya sila na higit na kailangan ng pamahalaan ang pondo sa panahon ngayon, sa gitna ng kinakaharap ng krisis bunsod ng Covid-19. Mas mahalaga na mag tulungan ang mga pribadong sektor ng pamahalaan.

Pag babatikos

Umani naman ng ilang batikos ang Uy-led shipping at logistics firm matapos ihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na re-rentahan ng pamahalaan ang dalawang barko ng 2GO ng P35 milyon.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 4
Source: Headtopics News

Samantala, sinabi niya na hindi siya ang sole owner at ang majority shareholder ng kumpanya. Humingi rin siya ng dispensa sa mga nasaktan sa naturang isyu.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 5
Source: CNN Philippines

Ayon sa kanya,

“Again, I apologize if this news has unduly offended some of our fellow Filipinos, so let me be clear, 2GO is providing two vessels to serve as quarantine facilities free of charge to the Filipino people. Even if the government offers to pay the PhP35M, we in 2GO, in good conscience, have no intentions of accepting their offer.”

Hindi magpapabayad

Sinabi nito na hindi lamang siya ang nag desisyon dahil kaniya itong sinangguni sa iba pang shareholders ng kumpanya. Dagdag pa nito na gagamitin na lamang niya ang sarili niyang pera sa mga gastusin sa pagpapaayos upang magamit ang kaniyang mga barko.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 6
Source: GMA Network

Sinabi din ni Uy, na itong hakbang ay makakatulong upang mapagaan ang mga ospital na may mga kaso ng COVID-19, ginagawang quarantine center ang ilang pasilidad kabilang na ang kanilang pag boluntaryong pagpa gamit sa kanilang dalawang barko.

P35-M Na Renta Ng DOTR Para Sa Barkong Ginawang Floating Quarantine Facility, Tinanggihan! 7
Source: Google Politics

Matatandaan na si Uy ay isa sa mga top contributors sa election campaign ni Pangulong Duterte noong 2016. Sinasabing aabot ng 30 milyon ang iniambag nito sa kampanya ni Duterte.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: