Press "Enter" to skip to content

P35M Para Sa “Quarantine Ship” Na Renta Ng Gobyerno Sa 2Go Kinwestyon Ni Terry Ridon!

April 22- Kinwestiyon ni Secretary Terry Ridon, public policy think tank Infrawatch PH, ang P35M renta ng gobyerno sa barkong 2GO na siyang gagamiting “floating quarantine” para sa mga pasyenteng ng COVID-19.

Limitadong pondo

Sinabi ni Ridon sa kaniyang pahayag, “Ang gobyerno ay mayroon lamang limitadong pondo para sa Social Amelioration Program (SAP). Kaya naman dapat ay linawin ng gobyerno, kung papalapit na sa kapasidad nito ang nasabing pasilidad ng quarantine na itinayo sa mga building na pag-aari nito.”

Quarantine Ship Na Nirenta
cnnphilppines

Ito ay upang magarantiya ang pag gastos sa pag-upa ng P35 milyong pisong halaga sa nasabing pribadong sektor.

Prayoridad

Bukod dito, dapat daw ang iprayoridad ng gobyerno ay yung may “mapagkumpitensyang-presyo” na batayan sa lupa na siyang gagamitin bilang pasilidad ng quarantine. Kung ang nasabing pasilidad ng gobyerno ay umabot na kapasidad nito.

Isiniwalat din ni Secretary Arthur Tugade ng Transporation, na nagbayad nga di umano ng P35M ang DOTR sa nasabing pribadong sektor. Ito ay renta para sa 2 sasakyan na gagamitin bilang “quarantine ships” na ilalaan para sa mga pabalik na OFW at seaferers na kailangang i-undergo sa 14-day quarantine.

Pag-aaksaya sa pondo

Gayunpaman sinabi din niya na “maliban na nga lang kung ang mga pag-aari na pasilidad ng gobyerno na ginamit para sa COVID-19 ay puno na. Ang layuning pagrenta ng mga pribadong pag-aari na pasilidad, ay walang halaga kundi isang pag-aaksaya lamang ng limitadong pondo sa pagpopondo ng krisis ng nasabing COVID-19”

Ang P35 milyong piso na pinang-upa, ay maari na sanang idagdag pang pondo sa SAP na mapapakinabangan pa ng karagdagang 7,000 na pamilyang mahihirap.

Bayanihan

Kaugnay nito, ang section 4 ng Bayanihan to Heal as One Act ay binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na maari ng idirekta ang operasyon ng anumang mga pribadong pag mamay-ari na sasakyang pampasahero, uang magsilbing pansamantalang medikal na pasilidad.

Nirentahang Quarantine Ship

May batas din na dapat magbigay ng makatwirang kabayaran sa anumang karagdagang pinsala o gastos na natamo ng nag mamay-ari ng nasabing pag-aari, lamang na may ulat na dapat sundin ang direktiba na siyang dapat ibigay.

Karagdagang batas

Maliban sa batas ng “BAYANIHAN” mayroon ding batas na section 24 Republic Act 9295 o ang Domestic Shipping Development Act of 2004 na nagsasaad na maaring direktang gamitin ng Estado ang anumang pribadong sasakyan sa oras na kakailanganin, lalo na sa panahon ng state of emergency.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: