Press "Enter" to skip to content

P4gp4tAy Sa Isang NMAX Rider, Huli Sa CCTV!

Kuhang kuha sa CCTV ang pagkakap4sl4ng sa isang motorcycle rider sa Valenzuela noong ika-9 ng Oktubre. Nangyari ang insidente sa Paso De Blas, Valenzuela.

Kuha sa CCTV

Puno ng pagluluksa ang post ng isa sa mga kaibigan ng biktimang kinilala bilang si Gino Luegi Hernando. Makikita sa video na sinabayan ng dalawang lalaki na nagmamaneho ng motor ang biktima. Nang mapantayan ng mga ito ang biktima, agad na binaril ito sa ulo, dahilan upang matumba ito agad. Nakita pa sa video ang aktong pagkuha ng bag kay Hernando na syang nakasabit sa leeg nito. Agad namang kinuha ng isa sa mga salarin ang motor ng biktima.

P4gp4tAy Sa Isang NMAX Rider, Huli Sa CCTV! 2

Motibo sa pam4m4sl4ng

Naging mabilis ang pangyayari at on the spot na binawian ng buhay si Hernando. Naretrieve ang motorsiklo ng biktima sa Lawang Bato, Valenzuela. Ang pag-iwan sa motor ni Hernando sa ibang lugar ay indikasyon na hindi pang-aagaw ng motor ang motibo ng mga suspek. Bagkus, pagnanakaw ang tinitingnang anggulo. Ayon sa balita, malaking halaga ang laman ng bag ni Hernando noong maambU$H ito. At kagagaling lamang nito sa bangko. Si Gino ay nagtatrabaho bilang isang messenger sa isang kumpanya sa Valenzuela.

P4gp4tAy Sa Isang NMAX Rider, Huli Sa CCTV! 3

Hustisya

Hangad ng pamilya at mga kaibigan ni Gino na makamit na ang hustisya at mahanap na ang mga suspek. Naiwan naman ng biktima ang kanyang asawa at dalawang anak na nag-aaral pa lamang. Miyembro si Hernando ng NMAX Club Phillipine Team – Valenzuela.

P4gp4tAy Sa Isang NMAX Rider, Huli Sa CCTV! 4

Nagpabatid din ng pakikiramay ang mga netizens sa pamamagitan ng social media. Hangad din ng mga ito ang agarang paghuli at pagpapanagot sa mga masasamang loob na pUmAt4y kay Hernando. Anila, isa din itong babala para sa mga riders na maging maingat sa bawat byahe. Naging kakila-kilabot para sa ibang netizen nang makita sa video ang pag-sign of the cross ni Hernando bago ito bawian ng buhay.

Posted by Gerard Deato Valerio on Friday, October 9, 2020

Source: Gerard Deato Valerio

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: