Press "Enter" to skip to content

P5,000 Financial Assistance Ng DOLE, Maaaring Matanggap Thru Money Remittance

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang kaalaman ukol sa alok na limang libong financial assistance mula sa Department of Labor and Employment. Dala ng pinagdadaanang krisis ng ating bansa bunsod ng covid-19, maraming kumpanya ang napilitang magsara at maraming empleyado ang naapektuhan.

P5k financial assistance

Sa pagkakatalaga ng emergency powers sa Pangulong Duterte ay kasama sa Bayanihan Act ang pagbibigay ng P5,000 financial assistance sa bawat empleyado, regular man o hindi.

P5,000 Financial Assistance Ng DOLE, Maaaring Matanggap Thru Money Remittance 2

Iilan sa mga katanungan ay binigyang linaw ng netizen na si C hloe Trongco. Ayon sa kanyang post, ang mga kumpanya mismo ang dapat na mag-apply nito sa DOLE. Ang DOLE naman ang magdedesisyon kung aprubado o hindi ang inyong pinagtatrabahuan para sa financial assistance.

Dagdag kaalaman

Sa tanong naman na kung sino ang mga empleyadong nakapaloob sa financial assistance, heto ang sagot,

“Ang mga empleyado na nakatalaga sa kumpanya na pansamantalang nagsara o mga empleyado na nakatalaga sa kumpanya na mayroong paputol-putol na araw ng pasok.”

TANONG: Kasama po ba kaming mga hindi pa regular?

SAGOT: Ayon po sa DOLE, ang lahat po ng empleyado ay kasama dito, regular man o hindi.

Para naman sa magtatanong kung kinakailangan ng bawat empleyado na magsumite ng mga dokumento sa kanilang kumpanya o sa DOLE, mariing ang kumpanya lamang ang kinakailangan na magsumite ng mga requirements. Wala ding kailangan pirmahan ang mga empleyado sa usaping ito.

No ATM, no problem

Kapag naaprubahan na ng DOLE ang aplikasyon ng inyong kumpanya para sa financial assistance, ang sangay ng gobyerno mismo ang magpapadala nito sa bawat empleyado na sakop nito, diretsong idedeposito sa payroll account. Hindi ito dadaan sa mismong kumpanya na pinagtatrabahuan ninyo.

Para naman sa mga walang ATM o sa mga sumusweldo ng cash, maaaring ipadala ito ng DOLE sa pamamagitan ng money remittance.

Sa tanong naman kung kailan posibleng makuha ang financial assistance, heto ang kasagutan,

SAGOT: Ayon sa DOLE, kapag aprubado na ang dokumento, ang Financial Assistance ay kanilang ipapadala mismo sa empleyado sa loob ng dalawang linggo.

PAGLILINAW: Ang pera po ay deretsong mapupunta sa mga empleyado, HINDI po ito dadaan o mapupunta sa Company. Mismong ang DOLE po ang magdedeposito sa inyong mga account. Ito po ay inaasikaso ng Company para makatulong sa mga apektadong empleyado.

Source: Facebook C Hloe Trongco

Basahin din ang mga kaugnay na balita:
Sa Wakas! DOLE Naglabas Na Ng Guideline Kung Paano Makuha Ang Php5,000 Cash Assistance
OFW Naman! Mga Bagong Bayani Tatanggap Ng Php10,000 Cash Assistance Mula Sa DOLE

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: