Press "Enter" to skip to content

P938-K Ng Shabu Ang Nasamsam Sa Buy-bust Operation Ng Bacolod Police

Nitong Hulyo 16, 2020, nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na buy-bust operasyon ang kapulisan ng police anti-drug sa lungsod Bacolod. At nasamsam ang mahigit sa PHP 938,400 na halaga ng shabu mula sa mga suspek na nahuli.

Unang buy-bust

Huwebes alas 7 ng gabi, naaresto Purok Masagana, Barangay 6, ang tatlong suspect ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 (Western Visayas) Drug Enforcement Unit (RDEU). Kinilala sila sina Edje Geduria, Rustom del Rosario, at Richard Monton.

Sa pangunguna ni Lt. Thurslie Castillo, head of RDEU-Negros Occidental, nagsagawa ang grupo ng operatiba nito ng buy-bust operation upang masawata ang mga suspek. Nagpadala ng nagpanggap na buyer ang grupo ni Castillo at nakabili shabu sa halagang PHP500.

P938-K Ng Shabu Ang Nasamsam Sa Buy-bust Operation Ng Bacolod Police 2
Photo Credit: PTV

Matagumpay na nahuli ang mga suspek at narrekober ang pitong pahabang sachet at siyam na malaking sachet ng shabu na tinatantiya na may halaga na PHP360,400. Kasama sa nakuha ang dalawang cellphone at PHP1,500 na hinihinalang galing sa pinagbentahan ng ilegal na droga.

Ikalawang buy-bust

Huwebes ng 10:20 ng gabi, hiwalay naman na sinugod ng kapulisan ng Police Station 2 ang mga suspek sa Purok Paglaum, Barangay 17.

Nahuli si Zerlin Magbanua, 40, taga Talisay City, Negros Occidental at kabilang sa high-value individual na nasa watch list ng Bacolod City Police.

At kasama sa naaresto ay sina Jimbo Meniao, 23, at Rene Yanson, 41 na pawang mga runner ni Magbanua at residente ng Barangay Villamonte.

Sa isinagawang operasyon, nagpanggap ang isang undercover na buyer at nakabili ng isang sachet ng shabu sa halagang PHP1,000. Dito na dinakip ang mga suspek at nakuha ang 20 na sachet na may timbang na tig-85 na gramo ng shabu na may halagang PHP578,000.

Nakuha pa sa mga suspek ang isang home-made caliber .22 revolver na may 10 bala, PHP2,500 cash, at drug paraphernalia.

P938-K Ng Shabu Ang Nasamsam Sa Buy-bust Operation Ng Bacolod Police 4
Photo Credit: DailyGuardians

Ayon kay Police Major Sherlock Gabana, head of Police Station 2 , ang mga ilegal na droga ay nirerepack sa boarding house ni Magbanua. Sina Meniao at Yanson ang nagpapakalat sa iba-ibang bahagi ng siyudad.

Parte ang tatko sa isang drug group sa lugar . Tumangging ang ,mga suspek na magbigay ng impormasyon sa mga pulis tungkol sa grupo at pinagkukuhanan nila ng ilegal na droga.

Sa ngayon nakaditene sa Police Station 2 ang nabanggit na mga suspek at hinahanda ang mga kasong isasampa sa mga ito.

Narito ang ilang detalye ng balita

Video Credit: PTV

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: