Browse By

Paalam Lloyd William Milby

Sa edad na 86, pumanaw na ang ama ng aktor na si Sam Milby.

Inanunsiyo nito ni Sam sa kanyang Instagram account nuong Nobyembre 3, 2021.

Nakasama pa ni Sam ang kanyang ama nung lumipad siya patungo sa kanyang hometown na Ohio.

Pagluluksa

Nakapiling pa ni Sam ang kanyang ama nuong Oktubre 21 nung nalaman niya na nasa ospital siya. Sa panahong iyon, nasa South Afrika pa siya, kasama ang kanyang girlfriend na si Catriona Gray na may photo shoot, at dumiretso na ng Ohio patungo sa ospital.

Photo Credit: Sam Milby’s Instagram

Sa kanyang instagram account, nilagay lamang ni Sam ang caption na ito, at marami ang nakiramay sa kanya.

“Rest in peace dad…. love you.”

-Sam Milby, Nobyembre 3, 2021

Ilan ding mga celebrities ang nakiramay at nagbigay ng condolensces. Kasama na rito sina Catriona Gray, Edgar Allan Guzman, at Erik Santos.

Huling pagbisita

Ipinakita ni Sam nuong Enero 2020 ang kanyang pagbisita sa kanyang mga magulang sa Ohio. Mayroon din siyang kuha ng drone pictures kasama pa ang kanyang ama sa litrato.

Photo Credit: Sam Milby’s Instagram

Ang huling pagdalaw ni Sam sa Ohio kasama si Catriona Gray ay nuong Enero 2021, nung may mga litrato si Catriona malapit sa isang lawa ng tubig sa tapat ng bahay ng mga Milby.

Sources: Pep.ph, Philnews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.