Press "Enter" to skip to content

Paano Kaya? Chinese National Na Galit Na Galit At Nanghaharass Sa Gitna Ng Kalye, Kumalma.

Isang Chinese national ang nangharass sa gitna ng kalye kahapon, Martes sa kadahilanang gusto niyang bayaran ng mga biktima ang sira ng kanyang sasakyan. Ito ay matapos madisgrasya ang kanyang sasakyan ng mga ito.

Panghaharass

Makikita sa viral video ang isang galit na galit na chinese national ang nakikipag talo sa mga motorista sa gitna ng kalsada, kahapon. Nakilala ang Chinese diumano na si JP QUI. Ang dahilan ng kanyang pang haharass ay matapos tumanggi ang mga naka sagi sa kanyang sasakyan na bayaran siya ng mga ito.

Paano Kaya? Chinese National Na Galit Na Galit At Nanghaharass Sa Gitna Ng Kalye, Kumalma. 2
Facebook

Pinilit pa niyang hablutin ang bag at kinuha ang perang nasa loob na pagmamay-ari ng lalaki. Ang perang ito raw ang ipampapagawa niya ng nasira niyang sasakyan.

Ang pera

Nag mamakaawa naman ang mga naturang biktima sa Chinese na ibalik ang kanilang pera. Sa kadahilanang ang pera daw na iyon diumano ay nakalaaan upang ipambili ng gamot ng kanyang nanganganak na Misis sa mga oras na iyon.

Paano Kaya? Chinese National Na Galit Na Galit At Nanghaharass Sa Gitna Ng Kalye, Kumalma. 3
Facebook

Ayon pa sa chinese ay kulang pa daw ang halagang nakuha nya sa loob ng bag para ipampapagawa ng nasira nyang sasakyan. At gusto pa nya na bigyan siya ng limang libo ng mga biktima.

Walang karapatan

Ayon sa nagkukuha ng naturang video ay wala daw karapatan ang Chinese upang basta nalang hablutin ang bag ng biktima at kunin ang perang nasa loob nito. Katwiran naman ng Chinese ay kaya nya kinuha ang bag dahil pinagtataguan daw siya ng pera ng mga ito.

Paano Kaya? Chinese National Na Galit Na Galit At Nanghaharass Sa Gitna Ng Kalye, Kumalma. 4
Facebook

Gusto rin makipag-usap ng maayos ang biktima ngunit ayaw pumayag ni Jp. At nangatwiran pang tinakbuhan daw siya ng mga ito.

Biglang tiklop

Ipinakita pa ng Chinese kung gaano kalaki ang sira ng kanyang sasakyan sa mga biktima. Ikinuwento pa niya na kaya niya ginagawa iyon sa mga biktima ay dahil may masama siyang karanasan sa isang tricycle driver nung nabangga siya nito dati pa.

Paano Kaya? Chinese National Na Galit Na Galit At Nanghaharass Sa Gitna Ng Kalye, Kumalma. 5
Facebook

Dahil sa hindi mapaki-usapan si kuyang chinese ay inakusahan na ng mga biktima na namemera ito sa kanila. At pinayuhan na lamang na lumapit sila kay Raffy Tulfo para maaayos na ang lahat, na naging resulta ng pagtiklop, pagkalma at pag alis ng naturang Chinese.

Panoorin ang viral video dito:

Kayu Napo homosga. Pangbili namin nang gamot para sa bagung nanganak na AsawA nang kapated ko. kinoha nang Tao NATO nang pwersahan .deko Alam Kong Chinese tong tao nato.. walang puso Pano nakami bibili NG gamot nito. e kinoha nya lahat NG natirang pira namin. Kung totoosin sya Ang nag cut at walang gasgas sasakyan nya bumakat Lang Ang pintora NG side mirror pero matatangal Naman Yun. Kami pa pinag perahan imbis walang Wala pa kami. De daw sya takot Kay sir raffy tulfo. Sana makarating to Kay sir raffy .pa share nalang po.

Posted by Jaime Ner Cabilao on Tuesday, May 19, 2020

Bisitahin ang Pinasbalita.org para sa iba pang mga balita.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: